†
Janelle's P.O.V
"Paul kaylangan nating lisanin tong bahay!!"- sigaw ni mama kay papa
"delikado sa labas Joan!! gusto mo bang mamatay tayo?!" -sigaw naman ni papa kay mama
"Paul....di mo ko naiintindihan.. hindi ako papayag na mapatay tayo ng mga halimaw sa labas.." -huminahon na si mama
"kaya nga Joan..ligtas tayo dito sa loob ng bahay.."- huminahon narin si papa.
tinitignan ko lang sila habang nag-uusap.yakap ko si Serenity habang si Ellynah naman ay umiiyak sa tabi ko.
napapanood ko sa t.v yung mga halimaw daw at yung sakit pero di ko akalaing ganito kalala."BITERS" yung tawag nila sa halimaw.bata,matanda,babae,lalaki. dati silang tao pero nang nakagat sila ay nag iba ang itsura nila.
"tama ang anak ko Paul..kaylangan na nating lisanin itong bahay...may posibilidad na makaligtas tayo kapag umalis tayo dito" -sumali na sa usapan si lola Sylvia.
"pero ma..."
"maliligtas nga tayo dito ng ilang araw pero pano kung masira ng mga biters na yon ang pinto? bintana? at paano kung maubos ang pagkain natin dito saan tayo kukuha?" -paliwanag ni lola
napayuko nalang si Papa.
"Janelle, Ellynah mag impake na kayo pati si Serenity tulungan nyo.aalis tayo dito.." - sinunod agad namin si mama
pag pasok ko ng kwarto ko ay kinuha ko yung maleta ko at agad nag impake.pagkatapos ko ay agad kong pinuntahan ang kwarto ni Ellynah at Serenity at tinulungan silang mag impake.
nakita kong pinasok ni Serenity yung paborito nyang manika.
"hindi mo na kaylangan yan si Dolly.." sabi ko sa kanya
"pero baka makain sya ng monster..."- pagdadahilan nya
hinayaan ko nalang sya.at pagtapos namin ay agad kaming bumaba papuntang kusina at naabutan namin si papa na naglalagay ng pagkain sa isang bag.nakita ko ring nilagay ni lola yung bible nya sa maleta nya.
"tara na"- sabi ni papa
paglabas namin ay nakita namin si mama na pinapaandar yung sasakyan namin
"lola ipasok mo na sila Ellynah sa sasakyan, Janelle tulungan mo kong ipasok tong mga maleta sa trunk ng sasakyan" - utos ni papa
tumango ako at si lola naman ay binuhat si Serenity at pumasok na sila ni Ellynah sa back seat ng sasakyan.
pagkatapos naming ilagay sa trunk yung mga maleta ay agad akong sumakay sa back seat habang si papa naman ay sa passenger seat.si mama ang mag dadrive
agad pinaandar ni mama ang sasakyan.habang umaandar ang sasakyan ay nakikita ko yung mga taong nagtatakbuhan at may ilan-ilan din akong nakitang biters.
"sa highway tayo dumaan Joan..mas ligtas doon" sabi ni papa kay mama
habang tinatahak namin ang highway ay biglang nagsalita si Serenity
"mamamatay ba tayo?" -bigla nyang tanong
nanigas ako sa kinauupan ko. mamamatay na nga ba kami?
"hindi baby..."- nanginginig yung boses ni lola habang nagsasalita
"lo....la...hin..di..." - biglang nagsalita si Ellynah
tinignan ko sya at nakita kong namutla sya
"inaatake si Ellynah ng hika!!"- napasigaw ako
dahil sa sigaw ko ay nakuha ko ang atensyon ni mama at papa
"T-teka asan yung inhaler nya?!" -sigaw ni papa
"Joan mababangga tayo!!"- biglang sumigaw si lola
pagtingin ko sa daan ay may hahagip samin na sasakyan.agad iniwasan ni mama yung sasakyan pero dumiretso kami sa damuhan sa gilid ng highway.
"mababangga tayo!!"
*Blackout*
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AN:hey readers!! thanks sa pagbabasa. sorry din dahil first time ko lang mag sulat ng story!!
BTW, Guys! Look at the Cast~~
Ellynah on the link sa comment box or sa right side------------------------>
Vote and voice out your opinions. Any violent reaction? Sorry kung may typos. Keep reading!
- N i k k a :)
-SplendorBlaire

BINABASA MO ANG
Bite
مغامرةMerong sakit na nagmula sa bansang Africa.ang sakit na ito ay walang lunas at delikado.agad itong kumalat sa ibat-ibang bansa, U.S.A, Argentina,Japan, Ireland at sa iba pa.kung sino man ang magkaroon nito ay unti-unting nanghihina at mamamatay.pero...