Guys! listen to the song while reading! Team-Lorde
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Janelle's P.O.V
Timecheck: 7:29 am
Nandito kami ngayon sa kwarto na binigay ni Angelo samin. kakagising ko lang pero sila Ellynah at Serenity ay tulog parin hanggang ngayon. napagod siguro talaga sila.si Patrick naman ay nasa ibang Kwarto.
Habang nagmamasid-masid ako ay May nakita akong cabinet sa kwarto namin.may notes na naka sulat.
Meron kaming iilang damit para sa inyo-A
Binuksan ko ang cabinet at nakita ang mga damit na para sa amin.kumuha ako ng isang white shirt , isang pantalon at undergarmets at dumiretso sa banyo.walang ilaw sa banyo kaya kandila ang ginamit ko habang naliligo.wala kasing bintana dito kaya walang liwanag na nanggagaling sa labas.wala ring silbi yung ilaw dahil wala nang kuryente simula nung nagkaroon ng outbreak.
Pagkatapos kong maligo ay dumiretso ako sa salamin at nagsuklay,nawala na ang mga dumi sa muka ko.ilang araw din kasi akong di nakaligo.Hinawakan ko rin ang mga sugat at gasgas sa aking muka.medyo humihilom na sila.
*TOK*TOK*TOK*
Biglang may kumatok sa pinto.agad ko itong binuksan.si Patrick pala.
"Good morning..."-sabi nya sabay ngiti.mukang bagong ligo din sya.
"Good morning din"-balik bati ko naman sa kanya.
"Pinapatawag daw tayo ni Angelo"
"OK..."
Sinundan ko sya pababa ng hagdan hanggang sa makarating kami sa Hallway ng mansion.naglakad kami ng naglakad hanggang huminto kami sa isang pinto
kumatok so Patrick
"Pasok.."-boses ni Angelo na nanggagaling sa loob.
Pumasok kami sa loob.nakita kong nakaupo si Angelo sa Swivel Chair.may malaking board din sa loob ng kwarto nya.
"Asan yung dalawa?"-tanong nya.hinahanap nya si Ellynah at Serenity
"A-ahh tulog pa sila.."-napa kamot ako sa ulo ko...nakakahiya tuloy...
Tumango lang sya.
"Sisimulan ko na..Dahil kasama na kayo sa grupo namin ay kaylangan nyo nang tumulong.meron kayong apat na pagpipiliian.Experiment,Scavenge,Guard at Cleaners.may alam ba kayo sa gamot??"-tanong ni Angelo
"Wala..."
"Edi tatlo nalang ang pagpipiliian nyo,Scavenge,Guard at Cleaners.......ang Scavenge ay ang paggagalugad sa ibat-ibang lugar para maghanap ng Pagkain,Inumin,Gas,at syempre survivors...
Ang Guard naman ay pagbabantay dito sa Mansion...katulad nila Kyla,Charlson at Arvin......at ang Cleaners naman ay paglilinis dito sa Mansion...dahil dito tayo nakatira, kaylangan na natin itong pangalagaan, at para narin sa may-ari nitong bahay na si Geraldine.. kasamahan namin sya dati pero namatay na sya...sabi nya na alagaan daw namin ang bahay nya dahil dito nya ginugol ang dugo't pawis nya..pwede maging cleaners yung dalawa mong kapatid, ok lang ba??"-Angelo
"Ah opo syempre naman"sabi ko
"Ipapaliwanag ko narin sa inyo ang Experiment......ang Experiment ay ang pag iimbento ng gamot...meron tayo ditong kasamahang Doctor,Nurse at Perfumist na nagtatrabaho doon...tignan nyo nalang sa board para makilala nyo ang ibang survivor at ang trabaho nila.."Angelo
BINABASA MO ANG
Bite
AventuraMerong sakit na nagmula sa bansang Africa.ang sakit na ito ay walang lunas at delikado.agad itong kumalat sa ibat-ibang bansa, U.S.A, Argentina,Japan, Ireland at sa iba pa.kung sino man ang magkaroon nito ay unti-unting nanghihina at mamamatay.pero...
