CHAPTER 4
Iced tea
"Ms. Rizaldo?" Tawag ng instructor ko at lumapit sa'kin.
"Yes po, ma'am?"
"Makikisuyo lang sana ako. Can you bring this to the SSC office?" Sabay abot ng mga pagkakapal kapal na mga papel at folders. Ano ba 'to? Ba't naman ganito kakapal. Mejo mabigat tuloy. Nauna nang umalis si Miss Alejandro. Baka may meeting sila ngayon.
Inalala ko na lang kung saan ang SSC office. Sa pagkakatanda ko ay sa kabilang building pa 'yon, malapit sa swimming pool. Nagtungo na ako papunta roon habang yakap yakap ang makakapal na papel.
"Tori? Sa'n punta?"Ani Cia habang tumatakbo at may hawak na monay.
"SSC office" Sagot ko,
"Gaga! Hindi rito ang daan.." Nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang ulo, kagat kagat ang monay. Napatigil ako sa paglalakad. Kanina pa ako naglalakad ta's hindi rito? Great!
I looked at Cia with a curious and disappointed face. Nang maubos ang monay ay kumuha siya ng iilang papel para mabawasan ang mga bitbit ko.
"Akin na nga! Mukhang iiyak ka na eh"
"Thanks..."
Sinunod ko ang direksyon tinuro n'ya gamit ang kanyang nguso. I wanna go home! Sigaw ko sa isip ko. Napansin yata ni Cia na tamad na tamad na akong maglakad kaya binagalan niya ang pag lalakad para magpantay kami.
"Ba't pala 'di mo alam saan SSC office? Diba kayo may ari nito?" Takang tanong ni Cia.
Natawa ako. "Hindi 'no! Tito ko saka anlaki kaya ng school imposibleng alam ko lahat kung saan mga offices dito."
Tumango lang ito.
"May naisip ka na bang presentation para next week?" Tanong ko. This feels awkward. I don't have any friends aside from my cousins that's why I'm not used to talking.
"Actually, wala pa eh... hmm. Oh! 'yan na! Sa may unang pinto!" Turo nito.
Walang katok katok ay binuksan agad ni Cia ang pinto. Bago ko pa mapigilan ay pumasok agad 'to. Mabuti na lang at walang tao kaya hindi nakakahiya.
Isang malaking conference room ang SSC office. May mahabang table roon na napaliligiran ng mga cabinet na puro papers at iba't ibang files na naka alphabetical order. Ipinatong ni Cia ang papel sa gitna ng long table at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.
"Thank you pala, Cia." Sabi ko at nginitian.
"Nako! Wala 'yun. Pala utos lang talaga 'yun si Ma'am Alejandro. Malas mo ikaw ang nakita kaya ka nautusan.." Hitanak niya ang upuan sa gilid at naupo roon para magpahinga. Nakatayo pa rin ako sa pinto. Naihatid ko naman na 'yung inutos sa akin.
Pinagmamasdan ko lang siya. Mukhang di pa yata siya uuwi at gusto pang tumambay dito sa SSC office.
"Ayaw mo umupo muna?" Inusog niya ang katabing upuan.
"Hindi na. I'll go home na rin. Kanina pa nag aantay driver ko e." Mabilis ang pagtayo niya sa kinauupuan at mukhang gulat na gulat. Kumunot ang noo ko. If she wants to waste her time here, wag niya akong idamay.
"Hmm, maaga pa naman eh... Stay ka muna mga ten minutes lang?" Aniya, lumapit sa akin para hatakin ako sa paupo.
Hinawi ako ang kamay niya sa braso ko at tinaasan ng kilay. I don't know what she's planning to do but I have a bad feeling about this.
"Sige na, Tori? Mag plano na lang muna tayo about sa presentation next week." Nag puppy eyes pa siya but that's not going to work for me.
She tried to grab my wrist once again.
BINABASA MO ANG
AM I STILL THE ONE?
RomanceTori Seven is a young, beautiful, kind and strong girl. She gave all the love that has inside her heart pero paano kung lahat ng iyon ay naubos at wala nang natira para sa sarili niya? Hanggang saan niya kayang magpakatatag? Hanggang kailan niya pag...