19

83 6 0
                                    

CHAPTER 19 

His Angel

Its been a month since the school year started. I still couldn't believe that I'm a college student. Hello, sleepless nights and endlessly drinking coffee. Nakapag adjust naman na ako sa bagong environment. I like this better than in senior high school. Mas naha-handle ko 'yung time ko sa studies and dates namin ni Lexus.

He toured me inside and outside the whole campus. I also met his college friends. Though, may awkwardness akong naramdaman especially sa ibang girls. I have a gut feeling na hindi nila ako gusto for Lexus. Well, their opinion doesn't matter since wala naman silang ambag sa relationship namin.

Naging busy rin si Matrix, Harem at kuya Xenon dahil sumali sila sa varsity team ng Ateneo. Luckily, nakuha silang tatlo. No doubt about that. Magaling naman silang tatlo since basketball is their passion. Nawala na rin ang tampo nila sa akin kaya madalas na ulit kaming naguusap. As usual, we're still making fun of the family's sore loser na si Matrix.

"Lutang ka? Tumutulo na 'yung ice cream sa kamay mo oh!" Si jules, my very first friend here in UST. Tamad kong tinignan ang ice cream sa kamay ko.

"Oh Shit!" Bulalas ko at itinapon ang ice cream sa malapit na trash can.

"Ugh! Let me help you," kinuha niya ang kamay ko para punasan ng wet wipes. I have five friends here in UST. Nagkataon lang na si Jules ang palagi kong kasama dahil magkaklase kami sa last subject. He's actually gay.

Hindi nga lang siya 'yung nagsusuot pambabae. Kung titignan mo lang ang kilos niya, you wouldn't notice that he's gay. Pero kapag nagsalita na, alam mo na agad na lalake rin ang hanap niya.

Pati ako hindi rin makapaniwala. Siya ang pinaka gwapong baklang nakilala ko, half German kasi kaya lutang ang kaibahan ng itsura sa lahat. Maganda ang katawan at napakalinis tignan. Ilang beses na kami napagkamalang mag boyfriend at tinatawanan lang naming dalawa.

For I know, napakalagkit din niyang tumingin sa boyfriend ko kaya madalas ko siyang nasisiko. I can't blame him though.

"You're giving me a cold shoulder huh? Mag kaibigan tayo, Tori. Wag mong ibuntong sa'kin galit mo kay Lexus," Mabilis kong binawi ang kamay ko at kinurot ang psingi niya.

"Baliw! Hindi kami magkagalit 'no!" Paliwanag ko.

"Oh.. Ano? Tampo?" Panunuya niya.

Bumuntong hininga lang ako at inirapan siya. He murmured something pero hinayaan ko na lang. Kanina pa kami nakatayo rito sa main bulding kakahintay sa driver ko. Consistent talaga si manong sa pagiging late. Simula noon, hanggang ngayon, late pa rin. Hindi ko na lang sinasabi kay dad at sigurado akong sesesantihin niya 'yon.

"Gusto mo pumunta tayong chapel? Ipagdasal natin 'yang boyfriend mo na sunduin ka," Biro nito.

"Whatever, Jules. Sige na uuwi na ako anjan na 'yung driver." Utas ko at naglakad na papalayo sakanya.

"Liar! Hindi nga tumunog phone mo eh." Sigaw nito. Itinaas ko lang ang isang kamay at winagayway sa ere.

He's right. Ayaw ko lang na magtalo kami dahil kay Lexus. Lexus become busier since he's a graduating student at tumutulong din siya sa dad niya sa pagpapatakbo ng company nila. Naiintindihan ko naman at hindi naman ako nagtatampo at all. I just miss him so much. Magkasama naman kami kahapon but it's not enough. I don't want to be a clingy girlfriend. I also don't want to demand.

You don't need to beg or  please your man to give you the love that you truly deserve.

Kinuha ko 'yung phone sa bag para tawagan yung driver. Palagi na lang siyang 30 minutes late! Minsan umaabot pang isang oras, mahigit. I need to confront him para naman matauhan. Imbis na nagpapahinga na ako sa bahay, andito pa rin ako sa school pakalat-kalat.

AM I STILL THE ONE? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon