37

78 7 0
                                    

CHAPTER 37

You are the one

Hatid sundo ako ni Sungit sa trabaho ko. Umuuwi rin naman siya sa bahay para iwan ang bike at mag bus papasok sa University. Palaging ganon ang naging takbo ng buhay ko kasama siya. Minsan, nagpe-presinta akong tumulong sa school works niya kaso nagagalit naman siya agad kaya hindi ko na pinipilit pa.

Malayo pa naman ang Cara International College mula rito sa Valencia at graduating pa siya kaya naman palagi siyang busy. I'm doing my best not give him another headache.

But.. we argued last night because I didn't want to accept the phone that he bought for me. Sobra sobra na kasi ang tulong na ibinigay niya para sa'kin. Isang beses pa lang naman akong nakapag bigay ng pera sakanya, pandagdag sana pambayad ng renta kaya lang pati 'yon ay pinagtalunan pa.

Ayaw niya rin kasing tanggapin. Basta raw manatili akong alipin niya, sapat nang kabayaran iyon. Pabor pa nga sa'kin but I stil want to help. In fact, wala na nga akong ginagawa sa bahay. Paguwi ko, malinis at nakahanda na ang kakainin namin. Nabaliktad na ang sistema, ako na ang amo at siya na ang alipin.

Kaya mas lalo tuloy akong nahihiya.

"Nakasimangot ata 'yang amo mo. What's wrong?" Tanong agad ni Madison sa'kin pag pasok ko sa shop. 

Hilaw na ngiti lang ang iginawad ko sakanya at dumiretso na sa locker room para makapag bihis ng uniform.

Buong araw akong naging abala. Malapit na ang out ko pero wala pa rin si Sungit. Malalim at mabigat na buntong hininga ang ginawa ko habang pinupunasan ang table ng kakaalis lang na costumer.

"Ang gwapo talaga ni Landon 'no? Ilang linggo ko na siyang inaabangan dito at tama nga ako. Andiyan na naman siya."

"Cool and mysterious, yummy! Kaso may girlfriend na raw? Nakita ng friend ko 'yan last time may kaangkas sa bike!" 

"Baka naman kaibigan lang?"

"I don't think so. That girl must be special. Hindi naman basta basta nakikipag usap sa babae 'yon. Si Janine nga na ubod ng ganda, inayawan niya eh."

I overheard their conversation. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko habang nag hagikgikan ang dalawang babae sa kabilang table na natigil ng may pumasok na bagong costumer. Binilisan ko ang pagpupunas para batiin ang bagong pasok na costumer.

"Welcome to Clo--" Napawi ang malapad kong ngiti nang makitang si Sungit lang pala 'yon. Papalapit siya sa table na pinunasan ko kaya naman bumalik na ako sa counter at nagpatay malisya.

Lumihis naman ang tingin ko sa dalawang babaeng naguusap kanina na patagong sumusulyap kay sungit, nag hahampasan at halos hindi mapakali. I twisted my lips as I recall what they're talking about.

Gwapo, may angkas na babae sa bike? hindi kaya ako 'yun? At tinawag nilang 'Landon' si Sungit?

Napasinghap ako ng hangin nang maisip na baka nga tama ako. His real name is Landon! Hinayaan ko na lang muna na maglaro 'yon sa isip ko at bumalik sa trabaho.

"Tignan mo, Sev. Andaming lintang dumidikit sa amo mo, o!" Tinignan ko si Sungit sa paborito niyang spot, sa may highchair na nakaharap sa pader.

"Dapat bakuran mo na 'yan. Baka bigla kang mapalayas ng wala sa oras kapag may nagustuhang babae 'yan." Komento pa niya. Inalis ko ang tingin sa mga dalawang babaeng tumabi sakanya na kinakausap siya.

"Kitchen lang ako." Sabi ko at pumasok na sa loob.

Kumuha akong patatas at isa isa 'yon hinugasan. Bakit ba ako naiinis? Nainis ako na may kumakausap sakanya at mukhang masaya naman din siya. Bakit kapag sa'kin lagi siyang galit?

AM I STILL THE ONE? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon