CHAPTER 30
Drunk
Pagkatapos naming kumaing dalawa, we both rested for a while. Pagod ang mga paa ko sa kakalakad ko kanina. However, sobrang nag enjoy naman ako sa tour. Executive suite 'yung room na kinuha ni Maximus for me. Malaki 'to para sa isang tao lang.
I let him stay for a while habang hindi pa ako inaantok. I made sure na hindi kami matutulog sa iisang kwarto. Glass window ang buong kwarto, tanaw ang mga cruise ships at mga yacht na nagliliwanag, pati na rin yung reflections ng city lights sa dagat.
Cream ang kulay ng buong silid... o mas deeper pa roon. Yung ibang muebles naman ay cream din at light brown. Gawa kasi sa kahoy yung iba, bumagay naman sa kabuuan ng silid sa view kaya mas relaxing sa pakiramdam.
Kumuha lang ako saglit ng juice at pinuntahan si Maximus. May hagdan pa kasi papunta sa receiving area kung saan ang sofa bed na hinihigaan niya. Ang plano niya ay doon sa kwarto ko manuod ng T.V pero hindi naman ako tanga para maniwala sa planong 'yon. Baka magpanggap na naman siyang tulog para hindi ko mapalayas.
Bumungad sa akin ang nakahilatang si Maximus na tutok sa T.V. Tinignan ko kung ano ba 'yung pinapaunod niya habang naglalakad palapit sakanya.
"Here's your juice," I said. Bumangon agad siya at kinuha iyon sa kamay ko.
"Thanks," Wika niya sabay inom. Umupo ako sa tabi niya at nakinuod na rin. Inilapag ko 'yung baso sa glass table sa harap saka sumandal sa sofa.
Hindi naman ako interisado sa pinapanuod niyang race car. Mukhang na e-enjoy naman niya yung palabas. Tahimik lang akong naka indian seat sa tabi niya. Marahan kong minasahe ang paa ko, parang namaga ata. Nanibago sa tagal kong nakatayo at lumakad. Natigilan ako nang bigla akong kalabitin ni Maximus.
"Akin na," Aniya. Bumaling ako ng tingin sakanya.
"Ha?" Kunot noo kong tanong.
"Your foot," He clarified. Mabagal akong tumango na parang nagpoproseso pa yung sinabi niya sa utak ko.
Mahina siyang natawa. Nilapat niya yung kamay niya sa mga paa ko at ipinatong sa hita niya. Itinukod ko ang kamay ko sa likod para umayos ng upo paharap sakanya, palipat lipat ang tingin ko sa mukha niya at sa pagmasahe sa paa ko. Nanatili lang ang kamay ko sa likod bilang suporta.
Nang mapansin kong tumatagal na 'yung masahe niya ay binawi ko na 'yon. Maybe that's enough.
"T-thank you, Maximus." Sabi ko. Inilapag ko na yung dalawa kong paa sa carpeted floor at sinuot yung slippers. Isinandal ko ulit pabalik ang likod ko, saktong humiga naman si Maximus na ginawang unan ang hita ko.
Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa naramdaman kong pagkailang. First time ko lang maranasan na may umunan sa hita ko. At si Maximus pa ha! Nakataas ang kamay ko, because I didn't know where to put it. Dapat ba ipatong ko sakanya or what?
Kinuyom ko na lang ang palad ko at inilagay sa magkabilang gilid ko. Nakatitig pa rin si Maximus sa TV na parang balewala lang sakanya yung ginawa niya. Normal na rin siguro sakanya 'to. Nakasanayan na siguro niyang gawin 'to sa mga past relastionships at flings niya? Sa akin lang ata big deal ang mga ganitong bagay.
Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko nang maramdaman ang labi ni Maximus sa hita ko.
"H-hey!" I warned him.
I'm wearing a summer dress! A dress! Walang telang nakabalot sa hita ko kaya ramdam na ramdam ko iyon pati na rin ang bawat pag hinga niya!
I heard his laugh. Salubong ang kilay ko at iritadong tinignan siya. Wag mo sabihing inaatake na naman siya ng kabaliwan? Baka masapak ko na talaga siya! At baka banggitin na naman niya 'yung 'kissperin' na iyon! Ugh!
BINABASA MO ANG
AM I STILL THE ONE?
RomanceTori Seven is a young, beautiful, kind and strong girl. She gave all the love that has inside her heart pero paano kung lahat ng iyon ay naubos at wala nang natira para sa sarili niya? Hanggang saan niya kayang magpakatatag? Hanggang kailan niya pag...