CHAPTER 35
Sungit
Pilit kong tinatago ang nakasimangot kong mukha sa stranger na nasa harap ko na kasabay kong kumakain.
"Kamusta ang tulog mo?" Malamig na wika niya habang tinutusok ang tocino sa plato niya.
"Tulog? Hindi pa nga ako nakakatulog eh," sagot ko.
Wala lang naman 'yon sakanya dahil maganda ang tulog niya sa malambot niyang kama. Tahimik akong kumakain ng agahan. Ang sakit talaga ng leeg at braso ko. May naipit pa atang ugat dahil sa baluktot kong pagkakahiga. Pinukpok ko na ang likuran ko para naman mawala ang ngalay.
"Anong plano mo?" Tanong niya at walang kaemo-emosyon akong tinignan.
Nginuya at nilunok ko ang huling pagkain sa plato ko bago siya sinagot.
"Pupuntang Del Cara?" Nagdadalawang isip kong sabi. Ayun naman ang totoong plano ko bago ako mapadpad sa lumang gusali na 'to.
Mahina siyang natawa sabay halukipkip. "Paano? Wala kang pera 'di ba?" Pagpapaalala niya, inangatan niya ako ng isang kilay.
"Ah.. Onga pala.. Hmm, ewan? Mag hahanap na lang siguro ng trabaho."
Naging malakas na ang pagtawa niya. "Ganon ba? May deal ako para sa'yo." Suhestyon niya.
"Ano 'yon?" Interisadong tanong ko. Malapad ang ngisi ko kahit na mukhang may hindi magandang sasabihin 'tong si apat na mata.
"Tutal wala ka namang matirhan at habang naghahanap ka ng trabaho, pwede ka muna rito may stay sa bahay ko...."
"Talaga!??!" Bulalas ko, natutuwa naman ako. Mabait naman pala siya!
"Teka hindi pa ako tapos mag salita. Hanggat wala ka pang nahahanap na trabaho, magiging alipin muna kita." Natatawang aniya.
Nanlaki ang mata ko. "Ano?! Ako? Gagawin mong alipin? Katulong ba?!?" Nakanganga ang labi ko sa gulat at tumaas baba ang boses ko.
"Oo. Ano bang ine-expect mo? Kukupkupin kita at ituturing na prinsesa? Wala ng libre sa panahon ngayon." Dagdag pa niya.
Umiling ako at nag iwas ng tingin. May choice pa ba ako? Kapag hindi ako pumayag, malamang sa kalsada na talaga ako titira.
"Ayun ay kung gusto mo lang naman. Kapag ayaw mo okay lang din, walang kaso. Bukas ang pintuan ko para sa'yo."
"Bukas bukas. Bulok naman!" Nang-gigigil na bulong ko.
Narinig ko ang pagtikhim niya kaya napatingin ako sakanya. Narinig ba niya? Kinabahan ako bigla. Papalayasin na ba niya ako?
"Take it or leave it."
"Si-sige na nga. Payag na ako." Napilitang sabi ko. Kinagat ko ang pangibabang labi ko at tumingin sakanya.
"Kaso... hindi ako marunong magluto. Okay lang?" Alangang tanong ko. "Anong kaya mo?"
"Hmmm, maglinis?"
"Ano pa?"
"M-mag laba?"
"Tapos?"
"Mag iron ng damit tsaka... plantsa."
Tumalas ang tingin niya sa akin. Nagiwas na lang akong tingin at baka malaman pa niyang nagsisinungalin ako. Wala akong ideya sa gawaing bahay. Kumain, matulog at magaral lang ang ginagawa ko sa bahay namin. Pagdilig lang ng halaman ang kaya ko.. kaso hindi ko naman pwedeng sabihin 'yon. Una sa lahat, wala naman siyang halaman.
"B-bakit?" Kabadong tanong ko.
"Iisa lang 'yon."
"Ang?"
BINABASA MO ANG
AM I STILL THE ONE?
RomanceTori Seven is a young, beautiful, kind and strong girl. She gave all the love that has inside her heart pero paano kung lahat ng iyon ay naubos at wala nang natira para sa sarili niya? Hanggang saan niya kayang magpakatatag? Hanggang kailan niya pag...