CHAPTER 32
Secrets
I held back my tears as I walked out of the café. I was hurt by what she said. Totoo naman eh. Maximus isn't saying anything but I know he is hurting.
Kung nandito lang sana si daddy, alam niya ang eksaktong salita para sa nararamdaman ko.
Hanggang mababaw pa ang sugat, gamutin ko na dapat agad. I had to let him go.
Nag hintay lang ako ng taxi'ng dadaan para parahin. Naiisip ko pa lang 'yung gagawin ko mamaya kay Maximus para na akong malalagutan ng hininga. Walang katumbas si Maximus para sa'kin.
He made me smile at times I thought I couldn't smile anymore.
Sumaktong may humintong taxi sa harap ko at akmang bubuksan. May malakas na pwersang humatak sa braso ko para pigilan. Nagulat ako sa pangyayaring 'yon. Bumugha akong marahas na hangin sa pagaakalang si Lilou 'yon. I was about to clamor because of irritation.
Literal na nalaglag ang panga ko sa pagkabigla sa tao sa harap ko.
Kaharap ko ngayon si mom. Nakatayo sa harap ko, hawak ang braso ko at namamaga ang mata niya sa kakaiyak. Off all places, dito pa talaga siya nagpakita. Marahil ay sinusundan niya ako.
"Miss na miss na kita, anak." aniya. Sumikip ang hawak niya sa braso ko.
Nanatili lang ang gulat sa mukha ko. Totoo nga talaga 'tong nangyayari sa harap ko.
"Anong ginagawa mo rito?!" Hinatak ko ang kamay ko pabalik sa akin.
"I want to see my baby." Lumapit pa siya sa akin at hinaplos ang dalawang braso ko.
Halos mag dilim na ang paningip ko sa puot na nararamdam ko sakanya. Seeing her, I remembered all the pain and suffering she had caused in me and dad's life. At nananatili pa rin sa puso ko.
Isang gabi, bigla na lang siyang nawala na parang bula tapos bigla naman siyang susulpot sa harap ko at sasabihing miss na niya ako? WOW!
"ANG LAKAS NAMAN ATA NG LOOB NIYONG MAGPAKITA PA SA AKIN?! Patay na si daddy. And that's all because of you! Naguguilty ka kaya nandito ka? Oh come on! Miss?? Talaga lang ha!" Sunod sunod ang mga paratang ko sakanya.
Paulit ulit ang pag iling niya at mariing pumipikit sa mga binitawan kong salita. "Hindi ganon 'yun, anak. You don't understand... Wala akong intensyo--"
"Anong You don't understand?? Ha! Ano? Malinaw naman ang lahat na iniwan mo kame! Dahil sa'yo namatay si daddy. Sana hindi ka na lang nagpakita pa! Sana kasama ko pa rin si dad hanggang ngayon!" Dismayado akong umiling. Inatrasan ko siya at naglakad papalayo sakanya.
"Kausapin mo na ako, Please naman, anak. Alam kong kinasusuklaman mo ako but I need to tell you something important."
"Wala akong panahon makinig sa mga excuses at kasinungalingan mo." Binilisan ko ang paglalakad dahil alam kong nakasunod siya sa akin.
Ipinagpapasalamat ko na lang sa busy ang lugar na ito kaya wala gaanong pumapansin sa aming dalawa. Lalo na't tumataas ang boses ko.
"Tori! anak!" Marahas niya akong ihinarap sa kanya.
I pushed her away at muntik na siyang matumba. "I'm not your daughter!" Singhal ko. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong sumabog sa galit
"I stopped being your daughter the day you left." Nanggagalaiti kong wika. Nanginig ang katawan ko.
Hindi siya makapagsalita. Basa na ang damit na suot niya dahil sa luha. Tinitigan ko siyang maigi. Mula sa suot at sa itsura niya, ibang iba na ang itsura niya. Tumanda ang itsura niya. Ang dating makinis na mukha ay puno na ng wrinkles. Gusot ang blouse at kupas ang pantalon.
BINABASA MO ANG
AM I STILL THE ONE?
RomanceTori Seven is a young, beautiful, kind and strong girl. She gave all the love that has inside her heart pero paano kung lahat ng iyon ay naubos at wala nang natira para sa sarili niya? Hanggang saan niya kayang magpakatatag? Hanggang kailan niya pag...