22

47 6 0
                                    

CHAPTER 22 

Scared

Humahangos akong tumakbo papunta sa kwarto. Anong sumapi sa akin? Hinawakan ko ang aking labi habang inaalala mga halik niya. Fuck! I can still feel his lips... moving.

Hinatid ko siya sa guest room para makapag pahinga. Ako naman ata ang hindi makakapagpahinga kakaisip sa nangyari kanina.

Kung tutuusin, wala na halos mapaglagyan ang saya ko. Para akong bulate na sinabuyan ng asin sa sobrang kilig. Nagpagulong gulong ako sa kama para ikalma ang sarili. After our kiss, nagmadali akong lumabas ng library at uminom ng napakaraming tubig. Nga lang, hindi pa rin iyon naging sapat para kumalma.

Maaga pa para matulog. Wala lang talaga akong mukhang maiharap kay Lexus.

Duh! We didn't 'make love' we 'make out' instead. Nag init na naman ang pisngi ko. Minabuti ko na lang na magbabad muna sa bathtub at ng mahimasmasan. Funny, kaya ko nga siya inayang mag sleepover dito para magkwentuhan kami pero pinasimulan ko ng halikan. Nice move, Tori! Isang salita mo na naman ang napako.

Napairap na lang ako sa hangin at nilublob ang sarili sa bathtub. I'll give myself a last chance... I'll go to his room and... talk to him. Ganon na nga!

No kisses! And I have a brilliant idea...

Dali dali akong umahon at pinatuyo ang sarili. At 12 midnight, papasok ako sa kwarto niya at magpapanggap na multo. I failed miserably last time.

Nag suot akong puting night gown at kinuha 'yung puting bedsheet at itinaklob sa sarili. Napangisi ako sa plano. Malalaman ko mamaya kung totoo ngang hindi siya takot sa multo. Lumabas na ako sa kwarto. I tiptoed my way to his room. Malamang ay tulog na sila yaya. My plan will be a 100% success for sure!

Nag practice pa ako sa paraan ng paggulat sakanya.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan, sinilip ang loob. He's already sleeping! Mas maingat ang hakbang ko papasok at isinara ang pintuan. Liwanag mula sa lampshade lang ang gabay ko.

Tumayo ako sa tapat ng mukha niya, lumuhod ako sa sahig at yumuko. Sakto naman na nasa bedside table 'yung phone niya kung saan ako malapit.

I dialed his number at nang tumunog 'yon, gumalaw siya para abutin  at saka ako mabilis na tumayo at ginulat siya.

"OH FUCK!!" Sigaw ni Lexus na halos mahulog na sa kama sa sobrang pag atras. 

I laughed out loud. Hinubad ko na ang bedsheet. Napasalampak ako sa sahig sa sobrang tawa. Sumasakit na ang tiyan ko sa pagpipigil nito.

"You got pranked by me, Lexus!" Tuloy lang ang tawa ko, nakakapit sa tiyan.

Mas lalong napamura si Lexus. Sinapo niya ang noo, naiinis. I don't mind it. Gumapang ako paupo sa kama at tinignan siya na naging blanko na ang ekspresyon.

Pinilit ko pa ang sariling tumigil na sa pag tawa. Umupo akong maayos sa kama. Nakatitig lang sa kawalan si Lexus kaya nakangisi akong nilapitan siya para ihipan sa mata.

I don't know what he's thinking but he looks manly and freaking handsome!

Nanlaki ang mata ko nang itumba niya ako pahiga sa kama. Nakapaibabaw siya sa akin. Napalunok ako sa diko malamang dahilan kung bakit bigla na lang nanuyot iyon at may bumara.

Nanigas ang katawan ko nang ilapit niya ang kanyang mukha. Napakapit ako sa bedsheet, nagpipigil ng hininga.

"I'll punish you hard this time, Tori." Marahang bulong niya sa tenga ko. I felt his warm breath. Tumindig ang balahibo ko at nanaig 'yung lamig ng buong kwarto. Magkahalo ang nararamdaman ko, init at lamig.

AM I STILL THE ONE? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon