18

91 8 0
                                    

CHAPTER 18 

Ring

"Ayos lang talaga kay tito?!" Si Matrix, gulat sa ibinalita ko patungkol sa amin ni Lexus. As I expected, siya ang pinaka mabilis mag react pero mabagal ang pag proseso ng utak.

Nakasakay kaming siyam sa van patungong Shangri-La plaza mall. Ako mismo ang nagaya sa kanila na samahan akong mamili ng mga gamit sa school at kung ano ano pa. I needed a chaperone and they are perfect for that role.

Si kuya Maxell ang nagmamaneho at naka pwesto rin ako sa harap. My exact plan was to tell it to them when we arrive to the mall. Nagbago lang ang isip ko nung ibinulong sa akin ni kuya Haru kanina bago kami umalis na alam na raw niya. He cleared Lexus name, na kay dad niya ito nalaman.

"Don't mention the obvious. Family friend ang mga Bustamante kaya walang problema si tito." Pormal na sambit ni kuya Zion. Sinilip ko sila sa rearview. Nawindang ata si Matrix dahil siya ang pinaka apektado sa lahat. My eyes widened when Maximus catches my glimpse.

Nakasuot siya ng airpods. I'm sure he heard our conversation. Walang buhay at tamad ang bawat kilos niya. Maybe... he realized that his love for me was... temporary. Na wala naman pala talagang siyang nararamdaman sa akin.

Mabuti kung ganon, hindi na ako mahihirapan pa kakaisip sa ginawa kong pananakit sakanya. Dinungaw ko na lang ang mga building na nadadaanan namin para libangin ang sarili.

"Ako meron! We all know na playboy 'yung gago na 'yon!" Si Harem. Nakaramdam ako ng pagkulo ng dugo sa sinabi niya.

"Shut it, Rem. Boyfriend ni Tori 'yon, respeto naman." Kalmadong saway ni kuya Maxell, he smiled and squeezed my hands to calm me down.

"Don't listen to these, jerks." Bulong niya.

"You went to his house, diba? May ginawa ba siyang masama sa'yo? Baka may ginawa kayong ikasasama ng loob ko?" Tanong ni kuya Shaun, sumandal siya sa likod ng upuan ko at dinudungaw ang reaction ko. Ipinilig ko ang mukha ko dahil sa pag pula noon.

I'm not innocent. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Napatahimik ang lahat at hinintay ang isasagot ko. Para akong malalagutan ng hininga sa pagsikip ng dibdib ko at sa tinging ipinupukol nila. Hindi ko man kita, paniguradong delikado ang mga iyon.

"Hindi ganong babae ni Tori, Shaun." Madiing sabi ni Maximus. Bumalik sa pagkakaupo si kuya Shaun at ganon din ako. For the last time, I checked Maximus face na nakatingin pa rin sa akin.

"O ba't defensive ka? Selos ka lang eh." Malakas na tumawa si kuya Haru. Umikot ang leeg ko sa sinabi niya. Siraulo ba talaga siya?! Napahilamos ako ng palad sa frustration. Aatakihin ako sa kanya eh!

"Fuck you," Tamad na sagot ni Maximus na lalong ikinatawa ni kuya Haru. Gusto niya ba talagang inisin si Maximus? Tinikom ko na lang ang bibig ko. Patingin tingin naman si kuya Maxell sa rearview na nagaabang ata kung magaaway ang dalawa.

"Selos? Si Maximus? Are you high kuya? Selos saan?" Inosenteng tanong ni Harem sa kuya niya.

Walang sumagot sa tanong niya. Nakita kong kinalabit pa ni Harem si kuya Xenon sa tabi niya para alamin ang sagot sa tanong pero nag kibitbalikat lang ito na lalong ikinainis.

"Maswerte lang 'yang gago na 'yan at sinagot mo agad bago ko pa binasag ang mukha!"

"Harem! Nakakainis ka na ha! Lexus is my boyfriend now and if you can't accept that, wag ka na lang mag salita ng mga bagay na hindi naman dapat."

Sinabihan ko na talaga siya dahil sumobra na mga sinasabi niya. If he can't respect my boyfriend then ako ang makakalaban niya. May iilang tingin si kuya Maxell sa akin at pinisil ulit ang kamay ko.

AM I STILL THE ONE? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon