23

55 5 0
                                    

CHAPTER 23 

Hospital

Nasiraan kami ni Elias sa kalagitnaan ng daan papuntang school kaya nag taxi na lang ako papasok. Guess what? Hindi ako nakapag quiz dahil tapos na ang klase pag dating ko. Mas mabilis pa yata akong tumakbo sa taxi na nasakyan ko!

At salamat sa napakalaking campus ng UST, lantang gulay akong pumasok sa sobrang hapo kakatakbo.

"Aga mo para sa next class, Ri!" Sarkastikong bungad ni Luna sa akin na nakangising nakipag apir kay Ara. Inirapan ko silang dalawa na humagikgik na.

Pagod akong umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Aldrin. Sa dulong parte kame nakaupong dalawa at sa harap namin si Ara at Luna na mapang asar akong nililingon.

"Ano?" Sigang tanong ko at pinandilatan si Luna. Naningkit naman ang mata niya at mataray na ibinalik sa unahan.

"Bakit ka ba na late?" Usisang tanong ni Aldrin at inusog ang upuan papalapit sa akin.

Humalukipkip ako. "Flat tire." Tipid kong sagot. 

Nag ayos kaming lahat ng upo sa pagpasok ng terror na professor namin. Umusog pabalik si Aldrin, nag labas ng yellow pad. Nag labas din ako ng mini notebook at nakinig. Nanghihinayang pa rin talaga ako sa quiz kanina. Kagat kagat ko ang takip ng ballpen at naiirita. Sayang talaga!

"Next meeting ang quiz na'tin, class. Goodbye!" Ma-awtoridad na sabi ni Prof. Almendras bago nag martsa papalabas ng room.

"Mall tayo." Si Ara. Tumayo siya sa harapan namin at naka pamaywang.

"We still have our next class, sis." Paalala ni Luna, naka upo at nakasandal ang siko sa upuan. Tumango lang ako bilang pag sangayon.

"Sige na! I'm hungry na, eh. May audition pa naman sa teatro mamaya. I need lots of energy." Nakangusong si Ara at nagpapaawa sa amin, kay Aldrin.

"Okay." Si Aldrin.

Ano pa nga ba? Sumunod na kami sa patalon talon na si Ara papunta sa kotse ni Aldrin. Tahimik lang akong nakikinig sa asaran nilang tatlo.

"Huy, Tori! Wag mo na isipin 'yung quiz. 1 to 50 lang naman 'yun, eh." Si Luna, batid ko ang pangaasar niya.

Nakakapit ang kamay niya sa braso ko kaya madali ko siyang nasiko.

"Kidding! 1 to 60 talaga siya, sis." Dagdag pa niya. Pabiro kong hinatak ang buhok niya.

Natawa ako sa kalokohan niya at napailing. Hilig talagang manginis. Kaya bagay na bagay sila ni Paulo. Halata namang may gusto siya sa kakambal ni Ara pero dine-deny pa.

Hindi na kami nakapasok pang tatlo sa huling subject ngayong araw. Minor subject din 'yon at hindi rin ganon kahigpit ang proferssor namin. Babawi na lang kami next meeting.

"Mag s-shift ka?!" Halos sabay silang tatlo sa pagtanong sa akin. Malakas akong napatawa sa itsura nilang tatlo. 

"What? Why?" Malungkot na ani Ara.

"Parang hindi 'to para sa akin." Simpleng sagot ko.

Pailing iling si Luna sa tabi ko. 

"How'd you know that this course isn't for you?" Makahulugang tanong ni Aldrin. Sandali akong napaisip sa sinabi niya. Nakatitig silang tatlo na nagaabang sa isasagot ko.

"Ah.. hindi ko gusto. Hindi ako sigurado." Nag alangan ako sa huli kong sagot at halos ibulong ko na lang iyon.

Napatigil sa pagkain si Ara at ibinaba ang hawak niyang chopsticks. Bumuntong hininga naman si Aldrin at nagpatuloy na lang sa pagkain. Humarap sa akin si Luna na salubong ang kilay. 

AM I STILL THE ONE? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon