CHAPTER 38
Letter
I always put sticky notes sa palagi niyang ginagamit sa bahay. Nilalagyan ko rin 'yun ng sad face para alam niyang gusto kong makipagbati. Or for whatever reason it is. After niyang malaman na alam ko na totoong pangalan niya, hindi na niya ako pinansin pa.
Isang tanong, isang sagot.
It's my day off today kaya nagkukulong lang siya sa kwarto para lang hindi ako mapansin.
"Landon? Can you help me.. uhm, maglaba?" Mahina kong kinatok ang pintuan niya.
"Landon?" I repeated.
I was about to knock again pero binuksan na niya ang pinto. I looked up to him, smiling.
"Hi!" Bati ko.
He didn't say a word. Bumaba ang tingin ko sa bitbit niyang labahan. Nagkusa akong gumilid para makadaan siya. Huminga na lang akong malalim. He was already washing the clothes pagsunod ko.
"Ikaw na lang?" I asked nervously. Nakatingin ako sa kinukusot na niyang damit. Like the usual, wala siyang isinagot.
"Gusto mo bang juice? Gagawa ako saka peanut sandwich." I said then leave.
Ginawa ko nga ang mga sinabi ko para libangin ang sarili. Kaunti lang ang mga damit kaya saglit lang din siyang natapos. Hinugasan ko agad ang kutsarang ginamit sa peanut, pagkatapos ay isa-isang binitbit ang mga baso at platitong puno ng tinapay.
I sat quietly on the sofa, pinapanuod ang pagsasampay niya ng nabanlawang damit sa balkonahe. Nang matapos siya ay inihanda ko na ang sasabihin at banayad na ngumiti.
"Kain na tayo! I prepa--"
Hindi ko pa natapos ang sinasabi ko ay binagsakan na niya akong pintuan. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
I hate this feeling! Yumuko na lang ako sa pagkapahiya. Ano bang kasalanan ko para ituring niya akong hangin? I thought we were okay tapos biglang ganito? It hurts. Kung sana man lang ay sabihin niya para hindi ako nanghuhula ng ganito.
Pinunasan ko ang luhang namuo sa mata ko. Akala ko hindi na ako makakaramdam muli ng sakit pero heto ako ngayon, nagpupunas ng luha. Nawalan na rin naman ako ng gana kaya ibinalik ko na lang ang juice na tinimpla ko sa ref pati na rin ang sandwich. Na estatwa pa ako saglit sa kusina habang lutang ang isipan ko.
I decided to lock myself up sa kwarto. Baka mas magiging masaya pa siya kapag hindi talaga niya ako nakita. But I won't go anywhere anymore. Dito lang ako! I'm done running away. Papalipasin ko lang ang inis niya, hindi naman niya ako matitiis, eh. 'Di ba?
Ibinagsak ko ang sarili ko para matigil pansamantala kakaisip sakanya at makapag pahinga. Hindi ako sigurado kung ano man 'tong nararamdaman ko. Though, I'm not scared if I figured it out soon.
Paggising ko, narinig ko na may kausap sa phone si Landon. Marahan kong binuksan ang pinto. Patay ang mga ilaw sa labas ng kwarto pero naaninag ko siyang nakatayo sa balkonahe. I tiptoed my feet and walked slowly hanggang sa mas malinaw ko ng naririnig ang boses niya.
He's deep voice almost echoed kahit na bulong lang ang mga iyon. Nakatayo lang ako sa likuran niya, nakikinig. Alam kong masama ang pakikinig sa usapan ng iba but I can't help it. Desperada na akong magkabati kami para pansinin na niya ako.
"Yes, Ma. Sigurado na ako." He said.
Humakbang pa ako isang beses.
"I'll go back to the states as soon as possible. Yes po. I'm already fixing everything, Ma."
BINABASA MO ANG
AM I STILL THE ONE?
RomanceTori Seven is a young, beautiful, kind and strong girl. She gave all the love that has inside her heart pero paano kung lahat ng iyon ay naubos at wala nang natira para sa sarili niya? Hanggang saan niya kayang magpakatatag? Hanggang kailan niya pag...