CHAPTER 39
AM I STILL THE ONE?
Natahimik ako saglit, inuunawa ang lahat ng nalaman ko. Pilitin ko man ang utak ko, walang kahit katiting na detalye akong naalala patungkol sakanya. Huminga akong malalim sa malumanay na paraan at humarap kay Cia.
"Are you serious? Kasi hindi ko-- naguguluhan ako, C. Paano?" I paused for a moment.
"Hindi ko alam 'yung buong story o kung saan nagsimula... Ang tanging alam ko lang, yung huling taon natin sa RHU. Do you still remember how we met? It's all because of Landon." Huminto siya para humingang malalim. "May binasa ka ba sa mga letters na natatanggap mo noon?"
Agad akong napatingin. "P-paano mo nalaman 'yun?"
Huminga ulit siyang malalim, tumingala saglit at nagisip. "Tama nga ako, wala kang binasa. Sabagay, wala ka sa ganitong posisyon kung noon pa lang nabasa mo na."
"Just tell me everything, C. Please?"
"Of course!" Aniya sabay irap sa hangin.
May kung anong kakaiba akong nararamdaman sa sasabihin niya. Nakakunot lang ang noo ko sa buong paguusap namin ni Cia, dahil na rin sa kalituhan at pangamba.
"Bagong lipat lang kasi ako noon sa Rosehill University. Si Landon 'yung unang taong nakilala ko. He knows my reputation, uhm.. you know, my past job. Nilapitan niya ako at binayaran pero sa ibang dahilan. Binayaran niya ako para maghulog ng sulat sa locker mo. Alam mo naman siguro na bantay sarado ka ng pinsan mo. One time, may sumubok na maghulog doon. Alam mo nangyari? Ginulpi lang naman ni kuya Xenon. After that, wala na. Kaya... our deal happened. Another thing, naalala mo noong utusan ka ni Miss Alejandro'ng bitbitin 'yung folders sa SSC room? Lahat 'yun scripted. Pagpapanggap lang. Uutusan ka niya, lalapit ako at dadating si Landon... but he didn't show up."
Naalala ko 'yon lahat. Lahat lahat! That damn letter na palaging nagpapaiyak sa'kin dahil naalala ko si mommy. Ang biglaang pagpapakilala ni Cia sa'kin. It was all staged? At lahat dahil kay Landon.
"I.. remember it all. You mean..."
"Aaminin niya sa'yo 'yung feelings niya. That's what I mean, Ri. Pero hindi na 'yun nangyari. Naalala mo pa ba 'yung pa-prayer vigil? Tungkol 'yon sakanya, sa pag punta niyang states para magpagamot. Umalis siya. Natapos na ang deal namin." Pagkukwento niya.
Bumaba ang tingin ko sa sahig. Naalala ko rin 'yung araw na 'yun. May binanggit din na pangalan 'yung isang babaeng ka-date ng mga pinsan ko. Hindi ko talaga siya makikilala dahil lahat ng ginagawa niya ay palihim. Minahal niya ako ng palihim.
"Bakit? Bakit hindi mo sinabi sa'kin noon?" Malungkot ang boses ko. Nanatili na lang ang mata ko sa sahig.
"Wala ako sa posisyon." Mariin niyang sagot. Binuksan ko ang isa pang itim na box. Katulad kanina, naglabas din ito ng makalumang amoy.
Dear Tori,
Nagkakilala na pala kayo ni kuya Lexus. Nakita ko kasi sa facebook na friends na kayo. I think... he likes you. Malabo na ata talagang mapansin mo pa ako.
Yours truly,
Landon Grant C. Bustamante"Bustamante!? Magkapatid sila ni Lexus? What the hell!?" I couldn't even identify my own voice. Mariin kong ipinikit ang mata ko, paulit ulit na umiling. Halos umikot na ang mata ko sa pagkalito. I thought... donny ang pangalan ng kapatid ni Lexus? Alam ba ni Lexus 'to?
BINABASA MO ANG
AM I STILL THE ONE?
RomanceTori Seven is a young, beautiful, kind and strong girl. She gave all the love that has inside her heart pero paano kung lahat ng iyon ay naubos at wala nang natira para sa sarili niya? Hanggang saan niya kayang magpakatatag? Hanggang kailan niya pag...