16

99 8 2
                                    

CHAPTER 16 

Blue box

"Congratulations, Tori! Ikaw na talaga! Grabe, bilib na talaga ako sa'yo eh. Maganda, mayaman tapos ubod pa ng talino." Bati ni Cia habang lumuluha sa harap ko.

"Sira! Congratulations din! Graduate na tayo!" Wika ko.

Nagyakapan pa kami sa tuwa. Andami naming memories together, palaging iyakan pero sobrang mamimiss ko siya. Dumating ang tatlo kong pinsan at pumagita si Matrix sa'min ni Cia kaya nahinto pagyayakapan namin. May mga pabulong na mura si Cia na masamang nakatingin kay Matrix. He's mocking Cia's face kaya mas lalo lang itong nabwisit. Mga aso't pusa talaga.

"Don't mind her, C. Mamimiss ka lang niyan kaya epal." Nagpigil ng tawa si kuya Xenon habang nakatingin sa dalawa. Napa-irap si Cia na nagtagosa likod ko.

"Alam mo napaka pangit talaga ng ugali niyang pinsan mo. Pangit pa ng mukha!" Mistulang bata si Cia na nagsusumbong sa nanay dahil sa mga bulong niya.

Sinadya niyang iparinig 'yun kaya Matrix. Nilapitan siya nio ito at nilagay 'yung kamay sa batok ni Cia para kilitiin. Napangiti na lang ako sa ginagawa nila at napailing.

"Sa UST ka na talaga? Ayaw mong sa Ateneo na lang para magkakasama tayo?" Tanong ni Harem na walang kaemo-emosyon ang mukha.

"Yah. Final na talaga 'yung decision ko." Nakangiting tugon ko.

Tumango-tango lang si Harem. Sobrang cold pa rin talaga niya sa akin nung sinabi ko sakanilang sa UST ako mag co-college. Hindi naman ako sumangayon sa kanila noon nung sinabi nilang sa Ateneo na lang din ako mag college. I have personal reasons. Bukod sa gusto kong makasama si Lexus, gusto ko rin makahinga sa pagiging protective ng mga pinsan ko. I was never dependent to them, kaya kong mag-isa at alagaan ang sarili ko.

I want to experience freedom. Nakakasakal na rin kasi sila. Wala namang problema kay dad kung saan ako mag co-college, suportado pa nga niya ako sa decision ko. Ganon din sa course na kinuha ko.

"May pahandaan din kasi si nanay para sa mga kamaganakan namin eh. Sayang naman! Congratulations sa ating lahat! Except kay Matrix."

"WHAT?!" Siniko ko si Matrix para hindi na sumagot pa. Asar talo pa man din 'to kaya hahaba lang ang pagtatalo nila kapag hindi ko inawat.

Nag fist bump pa si Cia at Harem na sabay nagtawanan. Bumuntong hininga lang si kuya Xenon sa asaran ng dalawa.

"Okay lang, C. Andami mo nang utang sa akin ha. Lagi kang missing in action sa mga parties ng family. Sa sunod pumunta ka naman kahit minsan." Biro ko na ikinatawa niya.

"Gaga! Sige, ba-bye na. Ingat kayo ha? Except ulit sa'yo, pangit." Tumakbo na paalis si Cia palayo. Hahabol pa sana si Matrix nang ipulupot ko ang braso ko sa braso niya. Tsk! Napaasar talo talaga. Kaya lalong inaasar eh. Kumaway kaway si Cia nang makalayo na sa amin. Kinawayan ko rin siya pabalik at umalis na.

"Alam mo napaka asar talo mo talaga.  Kaya ka lalong inaasar ni Cia, eh. Mukha kang toro na ready to fight" Komento ko.

"Bakit mo ba kasi naging kaibigan 'yon? Napaka bargas ng ugali." Hindi maipinta ang mukha ni Matrix.

"What's bargas?" Kuryosong tanong ko. Nagkibit balikat lang si Matrix. Napairap na lang ako sa hangin.

"Dude, Cia lives in a different world. What do you expect sa taong lumaki sa kalye? Mabait naman si Cia, eh. Ayaw niya lang talaga sa'yo." Si kuya Xenon na tumawa sa huli.

AM I STILL THE ONE? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon