Chapter 1

399 5 0
                                    


Read at your own risk. 2020

---

Chapter 1

It's midnight and I'm here.

"Get a room fuckers!" sabat ko sa kaibigan kong si Macy.

Kulang na lang maglampungan sila sa harap ko at hinihintay na lang nila akong umalis dito sa couch. Kaming tatlo lang andito dahil 'di daw maakaattend si Jelyn na isa ko pang kaibigan dahil may exam daw siya bukas. Ang sabihin niya, ayaw lang talaga niyang uminom.

It's Valentines Day but we're here at the bar dahil anniversary ng dalawang asungot na katabi ko sa couch. Third wheel sucks.

Mapapasana-all ka na lang talaga pag nakita mo yung isa mong kaibigan na masaya. Macy is really inlove to Carter as well as Carter to Macy. They are really lucky to each other. Kahit maaga pa at nakaka isang taon pa lamang ang relasyon nila gugustuhin ko nang sila ang magkatuluyan.

"Let's dance Macy!" I shouted to her.

Hindi siya sumagot at tinignan ang jowa niyang naka-akbay sa couch sa bandang likod niya. I get it, nagpapaka-behave siya in front of Carter, though I know hindi naman siya ganyan. Baka kung kami lang nandito ay kanina pa siya sumasayaw sa gitna.

Kinakausap naman ako ng dalawa pero ako lang itong nag-iinarte dahil feeling ko na-oop ako. Sana 'di na lang pala ako sumama pero alam ko naman magtatampo si Macy pag hindi.

'I'm out of this' saad ko sa isip ko.

"Rack!" I heard Macy's voice.

Bago pa ko mahila ni Macy ay nakapunta na ako sa bar top at umorder ng whiskey at mabilisang tinungga. Kung gusto ko makalimot sa hinayupak kong ex na mukha namang unggoy nakuha pang magloko. Bwisit.

Bakit kaya may mga lalakeng hindi makuntento sa girlfriend nila. I know it's been months na hiwalay na kami. No official break up pero I caught him on the act kaya matic nang break na yun. Hindi man lang niya nakuhang gumawa ng explanation or mag-sorry man lang sa kababuyang ginawa niya.

I don't know if I still have feelings for him or it's just that natapakan lang ang ego ko na parang wala lang sa kanya lahat ng pinagsamahan namin. At hindi man lang gumawa ng paraan na magsorry sa akin.

Sorry lang pinagdamot pa. Pakyu siya 10 times.

Ininom ko na lang lahat ng frustrations ko dito sa bar top. Frustrations sa ex ko at sa acads na  sobrang hirap.I have high tolerance in alcohol saka nandito naman si Macy at sigurado akong hindi ako ipapahamak non. Nakakailang shot na ako para maghanda ng sumayaw sa dance floor. Kung nahihiya kang sumayaw kailangan mo lang ng alak para mawala ang hiya mo. The dance floor was so crowded dahil magaling mag mix ng kanta ang dj na naka-assign ngayon.

Sayaw lang ako ng sayaw sa gitna ng dance floor kahit wala akong masyadong kilala dito and also this is a high end bar siguro naman walang masyadong manyak dito. Madami kang makikitang celebrities, politicians, at influencer dito kumbaga tambayan talaga. I'm not really into this thing, but I can't help it. The alcohol gives me vibes.

May sumasayaw na lalake sa likod ko at buti na lang di niya ko masyadong hinahawakan at baka masampal ko siya. Bago pa ko lumingon may kumausap na sa kanya.

"Hey, I need to go." isang malalim na boses ang narinig ko pagkalingon ko.

"Oh come on Cole, it's my birthday don't be a KJ." sabi ng kasayaw ko ngayon.

Napatigil ako sa pagsayaw at tumingin sa Cole na sinasabi nitong lalake. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya at umalis na sa loob ng bar.

Valentine Lies (Trio Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon