Kabanata 20

75 51 0
                                    

Pagkababa ko ng hagdan galing sa kwarto ay naabutan kong nag-uusap silang lahat sa sala. 'Pag sinabi kong lahat means buong angkan namin. Siksikan sila sa couches para lang marinig nila ng maayos kung ano man ang sasabihin ng magsasalita.

Sa kanang mahabang sofa nakaupo si Tiyo Randy, Tiya Andy, si Ate Charlene na katabi nito si kuya Chaen pero sa kamay na ng sofa siya nakaupo kasi wala ng space. Wala si Kaye dahil hindi pa rin naman niya maiintindihan. Nasa labas siguro siya, nakikipaglaro sa mga batang katulad niya. Sa harap naman nila nakaupo si Papa, Mama at si Ate Cris. At nagmumukha namang reyna si lola dahil nasa gitna siya sa gilid at si Tiya Lucy ang nagsisilbing prinsesa nito dahil magkatabi lang sila.

Hindi nila napansin ang pagdating ko dahil seryosong seryoso ang pinag-uusapan nila. Saka lang nila ako napansin nang umupo ako sa tabi ni ate Cris. Sa tabi na lang niya may space at kasya naman ang puwetan ko kahit medyo masikip kaya doon ako umupo.

Medyo nasaktan ako nang nanlaki ang mga mata nila na para bang nagulat sa pagdating ko. Akala ko family reunion kaya sila nandito lahat pero mukhang excluded ako.

Anong problema nila? Wala ba akong karapatang makinig kung ano man iyong pinag-uusapan nila?

Hindi ko na lang pinansin ang mga titig nila. Dumukot ako sa brownies na mukhang si Tiya Lucy ang nag-bake. Mahilig kasi siya mag-bake lalo na sa cookies.

In fairness masarap talaga ang binibake niya. Na-miss ko tuloy ang mga luto dito sa bahay. Doon kasi mukhang hindi sila kumakain ng kung anu-ano. Sa mga prutas at drinks lang ay ayos na. At syempre malamang sa dugo. Hindi ko nga lang alam kung dugo ba ng tao o hayop na alaga nila pero mukhang artificial blood ang iniinom nila dahil sa gamot na nilalagay nila sa kanilang inumin.

"Narinig mo ba ang sinabi ni lola, Azy?"

Kumunot ang noo ko nang tanungin ako ni Papa. Dahan dahan akong umiling. Nagtaka ako nang sabay sabay silang bumuga ng hangin. Parang nakahinga lang sila ng maluwag nang malaman nilang hindi ko narinig ang pinag-uusapan nila.

"Bakit Pa? Ano ba ang sinabi ni Lola? Gulat na gulat ata kayo. Hindi porke nawala ako ng halos isang buwan at nagkulong sa kwarto ko ng isang Linggo ay ganyan na kayo maka-react sa akin."

These past few days, they become distant from me. Parang hindi na sila ang pamilyang kinilala ko. Ang dating masayang pamilya ay naging seryoso. Parang lahat ng ginagawa nila ay seryoso. Parang ang hirap na makipagbiruan sa kanila.

Magsasalita na sana si Papa nang tinaas ni Lola iyong kanang kamay niya para pigilan siya.

"Alam na niya." Seryosong saad ni Lola bago sumimsim sa apple juice nito.

Gulat na ekspresyon ang sumilay sa mukha ni Papa. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Lola.

"She's only seventeen for goddamn sake!" Aniya. Hinampas pa nito ang mesa na mas lalong nagpatahimik sa kanilang lahat.

Hindi siguro siya sumasang ayon at hindi rin makapaniwala na alam ko na lahat. Naguguluhan man ngunit mukhang alam ko na kung anong pinag-uusapan nila kanina.

"Watch your words, Rom. Nakakalimutan mo atang si inay ang kausap mo." Mahinahon ngunit madiing paalala ni mama.

Huminga ng malalim si papa at nag-iwas ng tingin. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili sa pamamagitan ng pag inom ng tubig na inalok ni mama.

Hindi na ako mapakali pa kaya sumabat na ako sa kanila.

"Ano pong meron, La?"

Si Lola na lang ang tinanong ko kasi alam ko namang siya ang makakasagot sa akin ng maayos.

Yazmin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon