Kabanata 30

62 39 4
                                    

"Zed?" I called him for the third time but still he didn't respond.

Bumuntong hininga ako at luminga linga sa loob ng GOH. Hindi naman siguro magagalit si Hans kung pumasok kami sa teritoryo niya dahil magkaibigan naman na kami.

Kasasabi lang ni Daniel kanina na nandito si Zed. Hindi naman niya siguro ako pinagtitripan 'no.

Luminga-linga ulit ako. Baka kasi nasa gilid lang siya at hindi ko napansin.

"Umalis na kaya siya?"

Kung umalis na siya saan naman kaya siya nagpunta?

Nalungkot ako sa kadahilanang hindi man lang niya ako hinintay. Ah! Hindi nga pala niya alam na pupuntahan ko siya kaya malamang aalis at aalis siya.

Aalis na sana ako nang may marinig akong kaluskos galing sa taas ng puno. Tumingala ako sa katapat kong puno ng mansanas para malaman kung ano iyon. Nabigo ako nang wala akong makitang kung ano doon. Siguro ay hangin lang iyon.

Akmang tatalikod na ako nang may yumakap sa akin galing sa likod ko. Napangiti ako nang maamoy ang pamilyar niyang amoy. Hinawakan ko ang matipuno niyang mga braso at tiningala siya since hanggang balikat niya lang ako.

Naroon na naman ang pula niyang mga mata at ang matutulis niyang pangil na sumisilip sa tuwing ngingiti siya. Napapadalas na ata ang pag-transform niya kapag kaharap ko siya ah. But I love it anyway. I love who he really is. Sana lang ay ganoon din siya sa'kin kapag nalaman na niya ang totoo.

"Who are you looking for, darlin'?"

"Ikaw. Sino pa ba?" Napanguso ako at hinarap siya. Normal na ulit ang anyo niya.

Umiling siya. "Why?"

Yakap ko na siya ngayon sa kaniyang leeg habang yakap naman niya ako sa aking beywang.

"Sorry."

Mas lalong tumulis ang nguso ko.

"Sorry for what?" Kumunot ang noo niya.

"Kanina."

Ako naman ngayon ang nagtataka sa kaniya nang tumawa siya.

"Tinatawanan mo naman ako eh. Tsk." Hinampas ko siya sa kaniyang matigas na dibdib at umalis na sa GOH. Hinabol naman niya ako pero patuloy lang siya sa pagtawa sa akin.

Wala namang nakakatawa sa sinabi ko eh. Siya nga talaga si Zed. Lakas ng amats at mantrip eh. Kung hindi ko lang siya mahal..

"It's not funny, Zed. Stop laughing at me. You're annoying me." Napapairap na sabi ko sa kaniya. Tumigil naman agad siya na ikinataka ko.

Tumigil ako sa paglalakad. Tumigil din siya at kunot noong tumingin sa akin.

"Bakit ka tumigil?" Tanong ko.

"You told me to stop so I did." Pamimilosopo niya.

Pero tama naman siya pero kahit na. Naiinis ako.

"Baliw ka." Muli na naman akong umirap. Siguro ay nakahithit ng katol ang bampirang ito.

"Hey! I'm---"

"May pangalan ako. Che! Diyan ka na nga!"

Sa pinapakita niya ay mas lalo niya lang akong iniinis. Argh! I-hey ba naman ako? May pa-darling darling pa siyang nalalaman. Geez! I can't believe I fell in love with this vampire!

"Ano?!" Inis na tanong ko nang higitin niya ako sa aking braso.

Seryoso na siya ngayon. Tingnan mo 'to. Parang kanina lang parang takas sa mental kung makatawa ay wagas tapos ngayon seryoso na ulit siya. Ewan ko ba kung paano ako nahulog sa bampirang 'to.

Yazmin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon