Kabanata 35

46 30 0
                                    

Nagising akong kumikirot ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko. Ano bang nangyari kagabi?

Nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako nang maalala ko ang nangyari kagabi.

Bakit kaya ako biglang nahilo kagabi? Anong ginawa nila sa akin? At paanong nagawang magsinungaling ni Jessa sa akin?! This is really bullshit! Ang dami ko na ngang problema dinagdagan pa niya.

Kalma ka lang, Yazmin. She's your bestfriend and just wait for her explaination. H'wag ka basta-basta mag-isip ng kung anu-ano. Dapat nga magpasalamat ka sa kaniya dahil sa wakas ay nakalabas na kayo sa kulungang iyon.

Pero bakit imbes na maging masaya ako ay sakit ang nararamdaman ko? Dahil ba nagsinungaling na naman ang isang kaibigan sa akin, o dahil hindi ko na siya makikita?

"Haayst!"

Winaksi ko muna ang mga nasa isip at tumingin sa paligid. Nasa isang normal na kwarto ako ngunit ang pinagkaiba lang ay kulay pulang mga kandila ang nagsisilbing ilaw sa paligid.

Hindi ko rin matukoy kung gabi pa lang ba o umaga na dahil madilim ang loob ng kwarto at walang maski isang bintana. Kulay itim at pula din ang kulay ng mga kagamitan. At nasa isang itim na kama. Mayroon itong itim na lace canopy, red velvet na kumot, at mga itim na silk na unan na may mga disenyo ng pilak. Ang itim na leather na headboard ay may pulang mga butones at nagbibigay ng marangyang dating. Iisipin kong isa akong prinsesa kung wala lang ako sa panganib.

Tumingin ako sa itim na pintong nasa harapan ko. Bumangon ako at akmang aalis na sana ngunit hindi ko na natuloy ang balak dahil nakagapos ang kaliwang kamay ko. Isang mabigat at malaking kadena kaya wala akong choice kung 'di bumalik ulit sa pagkakaupo sa kama.

Lumingon ako sa pinto nang bumukas iyon. Niluwa niyon ang lalaking pumasok noon sa amin.

"N-nasaan ako? A-ano bang kailangan niyo sa akin? Nasaan si Jessa? Pwede bang pakawalan niyo na ako dito!" Galit na sigaw ko pero mukhang wala lang iyon sa kaniya dahil ngumiti pa siya sa akin.

"Easy, easy ka lang, Yazmin. Hahaha! Ang dami mo namang tanong..." Nagkamot pa siya sa kaniyang batok. "By the way, nasa puder kita. Ang kaibigan mo naman ay kumakain. At hindi ka namin maaaring pakawalan..sa ngayon! Don't worry dadating naman ang lola mo mamaya. Then, pwede ka na naming kalagan." Ngumiti ulit siya.

Mas lalo lang akong nairita sa pagmumukha niya. Parang ang sarap tuloy lagyan ng pasa ang mukha niya hanggang sa magdurugo.

Aaminin kong may hitsura ang lalaki ngunit hindi ako manghihinayang na dumihan ito.

"So? No more questions?" Tanong niya.

Nagsalubong ang kilay ko. Kinuyom ko ang kamao ko. Ngayon pa lang hinihiling ko na sana nakamamatay ang masamang tingin para mamatay na siya!

"Where is she?" Napalingon ako sa bagong pasok.

Si lola!

"Oh nandito na pala ang lola mo eh." Hindi ko siya pinansin. Na kay lola lang ang atensyon ko. Nakatingin siya sa lalaking estranghero na para bang hindi napansin ang presensya ko.

"Lola..." Tawag ko sa kaniya.

Tumingin siya akin ngunit nagtaka ako nang wala man lang bakas na pag-aalala sa mukha niya. Wala siyang kahit na anong ekspresyon. Nakatingin lang siya sa akin kaya tinawag ko ulit siya at sinubukang makawala pero ako lang ang nasaktan.

"Kalagan niyo na siya."

P-paanong---?

"My pleasure, queen."

Yazmin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon