Kabanata 17

80 58 3
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang isang mainit na bagay na tumatama sa aking pisngi. Sinangga ko gamit ang aking kamay nang bumungad sa akin ang tirik na tirik na araw.

Bumangon ako at unti unting binuksan ang aking mga mata para maka-recover sa liwanag.

Nilingon ko ang paligid. Nasa hanging bridge pa rin ako. Biglang sumakit ang ulo ko nang maalala ko ang nangyari kaninang madaling araw.

Ibig bang sabihin noon ay pinapalaya na niya ako? Gusto ko man magdiwang sa tuwa na sa wakas ay malaya na ako ngunit hindi ko magawa dahil iba ang pinapahiwatig ng puso ko. It feels like it's breaking it into million pieces.

Binalewala ko na lamang iyon at tumayo na. Kumunot ang noo ko nang hindi na kumikirot ang kanang paa ko. Siya kaya ang gumamot sa paa ko?

He cares.

Tumingin ako sa paligid. Nagpatuloy na ako sa pag-alis ngunit lakad-takbo na ang aking ginawa upang hindi ako madaling mapagod dahil baka atakehin ako asthma.

Matapos ang ilang kilometrong lakad-takbo ko ay huminto muna ako upang magpahinga. Hinihingal ako habang nililibot ang aking paningin sa aking kapaligiran.

Tubig. Kailangan ko ng tubig ngunit naiwan ko iyong baon ko sa tulay. Sumilip ako sa gilid, sa ibaba na parang bangin kung saan naririnig ko ang parang umaagos na ilog. Tama nga ako may ilog doon. Napakagandang tanawin ngunit wala akong panahon para mag-aliw.

Natatakot ako na baka kapag tumigil ako saglit ay may bampira na namang manghahatak sa akin pabalik at hindi na muli akong makakauwi.

Kahit tuyo ang aking lalamunan at tagaktak ng pawis ay nagpatuloy na ako sa pagtakas. Mahigit isang oras at kalahati bago ko natanaw ang isang malaking gate na gawa sa metal. Masikip ang daanan at maraming bato bago makarating sa gate na iyon. Siguro ito na ang dulo ng napakalayong nilakbay ko.

Isang ngiti ang kumawala sa aking labi. Ngiting kahit kailan ay hindi ko magagawa sa mundo ng mga bampira.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Agad kong tinahak ang masikip at mabatong daan hanggang makarating ako sa gate.

Parang isang napakabigat na bagay ay kumawala sa akin nang makita ko ang labas ng gate. Tumulo ang luha ko nang maalala lahat ng nangyari sa akin sa mundo ng mga bampira. Simula noong unang gising ko hanggang sa nahulog ang loob ko sa isa kanila at ang nagawa kong pagtataksil sa sarili kong kaibigan.

Kalayaan. Iyon ang masasabi ko ngayong kaharap ko na ang lugar kung saan malapit sa LaNgur. Hindi pamilyar sa akin lugar ngunit nararamdaman kong malapit lang ako sa bayan namin.

May ilang kabahayan na dito kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad ngunit kaagad din akong yumuko nang makaramdam ako nang hiya nang pinagtitinginan ako ng mga taong nakakakita sa akin.

Sa hitsura kong ito malamang pagtsitsismisan ako. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hinayaan ko silang magbulong-bulongan. Hindi nila alam ang buong pangyayari kaya hindi dapat nila ako hinuhusgaan agad.

Napahinto ako nang may humarang sa dinaraanan ko. Nasa tapat ako ng isang paaralan. May nakaukit na SM Elementary School sa taas ng gate. SM? Iyon siguro ang pangalan ng bayang ito.

"Naggap-gapwam, hija? Apay ta kasta iti pusturaem?" Isang matandang babae na may hawak na tungkod ang naglakas loob na lumapit sa akin.

Kumunot ang noo ko nang mapagtantong iba ang gamit niyang lenggwahe. Naalala ko, iyon din ang ginagamit minsan nina lolo at lola kapag nakikipag-usap sa amin ngunit simula noong pumanaw na ang lolo ay hindi na muling ginamit ni lola iyon. Sa pagkakaalam ko ay Ilocano ang lenggwaheng iyon.

Yazmin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon