Kabanata 10

106 84 3
                                    

Nasa sala kami ngayon at pinapalibutan ng mga maids. Pinag-krus niya ang kaniyang mga paa habang ako ay hindi mapakali at kanina pa kumakalabog ng malakas ako puso ko dahil sa sobrang takot. She's someone you don't wanna mess with.

"Will you please calm down?"

Gaya ng sabi niya hindi na nga ako gumalaw. Ni kumurap at huminga ay bilang ko lang. Sa sobrang takot ay hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya.

"Still scared of me? Well... Ms. Nagalle, matuto ka ng hwag matakot sa akin dahil from now on, you're a part of our family." Aniya at ngumiti ng pagkalawak lawak kahit hindi naman abot sa kaniyang mga mata.

I smell something fishy.

"A-Ayoko. May pamilya ako."

Nagulat sya sa sinabi ko. Mismong ako ay nagulat din dahil sa lumabas sa bibig ko. Shems! Hindi ko napigilan ang bibig ko. Patay.

Akala ko katapusan ko na pero nagulat ako nang ngitian niya ako ng matamis. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok.

"I'm only giving you two choices. First, live with us and no one will get hurt. Or I'll release you but don't expect for your family's safety." Nakangiti nitong sabi na parang wala lang sa kaniya kung alin doon ang pipiliin ko.

Napayuko ako sa sinabi ni Mrs. Geoarge.

Mrs. Geoarge lang dahil wala silang apilyedo. Kamakailan ko lang din nalamang hindi sila gumagamit ng apilyedo at doon ko rin na-realize na magkaibang-magkaiba talaga ang mga tao sa mga bampira.

"Madali lang ako kausap. Think about it, Yazmin. I'm giving you a chance to choose between the two. Dapat magpasalamat ka pa sa akin dahil nagiging mabait lamang ako at ngayon lang 'to."

Gabi na at hindi pa rin mawala sa isip ko ang dalawang binigay ni Mrs. Geoarge na pagpipilian ko.

"I'm only giving you two choices. First, live with us and no one will get hurt. Or I'll release you but don't expect for your family's safety."

"Aargh!"

Nagpagulong gulong ako sa kama ko.

Napakasamang bangungot! May pag-asa nga akong mabuhay pero unti-unti pinapatay naman nila ako mentally!

"Hmm--anong..." Napabalikwas ako ng bangon nang bigla kong nasilayan ang mukha ni Zed sa mismong tapat ng mukha ko.

Sa sobrang sobrang gulat ay agad akong napabalikwas ng bangon at dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa isa ay hindi sinasadyang magdikit ang mga labi namin.

Kahit wala pang isang segundo iyon ay agad na umepekto sa buong sistema ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong sistema ko. Naghaharumentado ang puso ko at nagwawala ang mga anumang creatures sa tiyan ko. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng buong mukha ko kaya bago pa niya makita ang malakamatis kong mukha, nag-iwas kaagad ako ng tingin sa kaniya at tinakpan ko ang mukha ko.

Nang sinubukan kong silipin siya ay kaagad din akong nagsisi. Paano ba naman kasi ay nakangisi na naman siya.

"Why are you blushing, Shube?" Mapang-asar na tanong niya idagdag mo pa ang nakakalokong ngiti niya.

Nakakainis!

"Ang i-init kasi eh hehe!" Pagdadahilan ko at umaktong naiinitan. Pinaypayan ko pa ang mukha ko gamit ang kamay ko para mas effective ang dahilan ko.

Pero hindi pa rin mabura iyong ngiting aso niya. Sarap sapakin.

"Umalis ka na nga. Bakit ka ba nandito? Paano ka nakapasok? Alam mo ba iyang ginagawa mo? Trespassing ka hoy!" Dinuro duro ko pa siya pero dahan dahan lang siyang lumapit sa akin kaya paatras din ako ng paatras hanggang sa wala na akong maaatrasan. Dahil kung pipilitin ko pang umatras ay paniguradong mahihiga ako sa kama.

Yazmin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon