Kabanata 11

92 75 3
                                    

Niyugyog ko siya para gisingin pero mukhang masarap at malalim ang tulog niya kaya napakamot na lang ako dahil sa pagiging tulog mantika niya.

"Hoy, Zed. Gumising ka na dahil hinahanap ka na nila. Kakain na rin daw kaya kung pwede lang ay bumangon ka na diyan." Sabi ko sa kaniya pero hindi pa rin siya gumagalaw.

Aba sinusubukan talaga ako ng lalaking ito ah.

Tulad ng ginagawa niya sa akin kapag ginigising niya ako, tinapik tapik ko iyong pisngi niya.

"Gumising ka na damulag ka." Syempre bulong ko na lang iyong tinawag ko sa kaniya baka mamaya magising pa siyang salubong ang kilay.

Nagpatuloy lang ako sa pagtapik sa pisngi niya kaya namumula na iyon. Tumigil lang ako nang nakita ko ang pagkurap ng mga mata niya kahit nakapikit pa rin siya. Sabi na nga ba, nagtutulog-tulogan lang ang isang ito eh. Bahala siya diyan. Pinapahirapan niya lang ako eh.

"Hayst! Bahala ka dyan. Alam kong gising ka na kaya hwag ka ng magpanggap." Sabi ko at akmang aalis na nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay na humawak sa aking pulsuan.

Nilingon ko siya. Iyon na naman ang mga titig niyang parang hinihigop ka. Kaya mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kaniya dahil sa mga titig niyang nakakakalaglag panty.

Mapupungay ang kaniyang mga mata, magulo ang itim na itim nitong buhok at mas lalong mapula ang kaniyang mga labi. Bahagya pang nakaawang ang mga ito. Napalunok ako dahil doon. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko rin ang mga uod na nagpi-piyesta sa loob ng tiyan ko.

"M-may kailangan k-ka?" Pinigilan kong hwag mautal pero nanginginig ang bibig ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko na parang nakikipagkarera.

Bumangon siya pero hindi pa rin niya tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko. Pilit ko iyong tinatanggal pero mas malakas siya kumpara sa akin kaya hinayaan ko na lang siyang hawakan ako.

Napalunok na naman ako nang makita ko ang six packs of abs niyang sigurado akong matitigas ang mga 'yon.

"What did you do to me?" Pinaghalong lungkot, galit at hindi ko maintindihan ang tono ng boses niya. Ngunit sakit at pagkalito ang nakikita kong emosyon sa kaniyang mga mata.

Kumunot ang noo sa kaniyang tanong. Hindi ko siya maintindihan. Ang gulo talaga ng lalaking 'to. Umagang umaga ay nantitrip na naman siguro.

Ibubuka ko pa lang sana ang aking bibig upang sagutin siya nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Hans. Agad na bumitaw si Zed sa pagkakahawak niya sa akin na ikinadurog ng puso ko.

Bumalik sa pagiging cold ang kaniyang mga tingin.

"Oh, buti naman nagising mo rin siya, Yazmin." Ngumiti sa akin si Hans. Pinilit kong ngumiti pabalik.p

"Good morning, Zed! Bumangon ka na riyan dahil kakain pa tayo ng breakfast." Malambing niyang sabi kay Zed. Nilagpasan ako at nilapitan siya.

Oo nga pala, nakalimutan kong sila na pala. Sino lang naman ako? Sa pagkakaalala ko ay ni-kidnap nila ako ilang Linggo na ang nakalipas at ngayon ay isa na lang katulong sa kanila.

Ang sakit. Sobrang sakit. Kung bakit binibigyan ko kasi ng meaning ang mga pinapakita sa akin ni Zed eh alam ko naman sa sarili kong niloloko niya lang ako. Ang hirap maging assuming.

Pinilit kong ngumiti ng pagkalawak lawak kahit sa loob loob ko ay gustong gusto ko ng umiyak. Humarap ako sa kanila.

"Uhm.. Sige maiwan ko na kayo diyan dahil baka nakakaistorbo lang ako... hehe." Sabi ko sa kanila at agad tumakbo palabas ng kwarto.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko kayang tumagal sa loob ng kwartong iyon kung sila lang din ang kasama ko.

Naglakad na ako pabalik ng kusina na parang walang nangyari. Ganoon naman talaga dapat diba? Ang magpanggap na parang hindi na ako nasasaktan kahit ang totoo durog na durog na ako.

Yazmin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon