Kabanata 14 (R18+)

116 63 5
                                    

WARNING!!

**

Isang pares ng kulay itim na open toe stiletto na may tatlong pulgada ang taas ang pinili ko. Hindi kasi ako sanay mag-heels kaya ito na lang ang pinili ko.

Nang lumabas kami sa shop ay pinauna na kami ni Zed. Ang dahilan nito ay bibili sila ng kanilang susuotin mamayang gabi. Sabi naman ni Hans na sasama na kami tutal maaga pa naman pero nagalit lang si Zed kaya hindi na nagpumilit si Hans. Ano na naman kayang trip ng lalaking 'yon?

Naaawa tuloy ako kay Hans dahil kanina pa siya nakabusangot. Kapag naman tinatanong ko siya kung ayos lang ba siya, isang malungkot na ngiti lang ang sinasagot niya sa akin.

Nang makarating na kami sa mansion ay nagpaalam siyang aayusan muna niya ang sarili bago ako. Pumayag naman ako dahil wala naman akong alam sa pag-aayos ng sarili eh. Pumunta muna ako sa kwarto at umidlip saglit.

Nagising na lang ako na may tumatapik na pala sa pisngi ko. Bumalikwas kaagad ako ng bangon at tiningnan si Hans.

Bahagyang umawang ang bibig ko nang makita ang itsura niya. She's so damn gorgeous! She's wearing her purple-black mermaid gown and she styled her hair into curled plait. Ang ganda na nga niya kahit walang make-up mas gumanda pa siya ngayon kahit hindi masiyadong makapal ang make up niya.

How I wish na sana ako na lang siya. I'm just nobody compared to her. Hinding hindi ako makakaabot sa level niya.

She waved her hand in front of my face to awaken me. Natawa siya at umikot na parang prinsesa. Well, prinsesa naman talaga siya.

"What you think, Yaz? Maganda na ba ako?" Tanong niya sa akin.

I raised my hand with a thumbs up sign. "Kahit 'di ka na mag-ayos maganda ka pa rin, at mas lalo ka pang gumanda." Natawa siya sa sinabi ko.

"That's great! Nagpaganda talaga ako for Zed. Para mas lalo siyang mahulog sa akin." Aniya at namula pa ang magkabila niyang pisngi.

Nawala ang mga ngiti ko sa sinabi niya. Tumikhim na lang ako at iniba ang usapan.

"Maliligo lang ako." Paalam ko sa kaniya at pumasok na sa banyo para maligo.

Nang matapos na akong magbihis ay nilagyan na niya ako ng light make-up na ni-request ko sa kaniya. Tinali rin niya ang buhok ko sa style na side bun. Hindi ko man makita ang sarili dahil wala silang salamin, alam ko namang nagmukha akong tao sa ayos ko.

This is already enough for me. Kahit naman siguro lalaban ako ay matatalo pa rin ako.

"Oh my Yazmin!? You look stunning, honey! Kung nakikita mo lang ang sarili mo ngayon." Aniya. Her mouth is formed into 'O'.

Natawa ako. I hope so.

"Teka may kulang pa." Sabi ko at kinuha ang kwintas ko na binigay sa akin ni lola.

Sinuot ko iyon. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi maipinta ang mukha ni Hans.

"Bakit? Pangit ba ang kwintas ko?" Tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang umiling at ngumiti.

"A-Ang ganda nga eh. Umiilaw pa. Saan mo 'to nakuha?" Aniya at hinawakan ang kwintas ko.

Tiningnan ko naman iyon at totoo ngang umiilaw ito. Naalala ko tuloy na umilaw din itong kwintas na ito noong gabing iyon. Hindi lang umilaw kundi nakakapaso din. Nakakapagtaka lang dahil hindi ito nakakapaso ngayon.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako dahil noong binalik ko ang tingin ko kay Hans ay kumislap ang kaniyang mga mata.

"A-ah, let's go. Magsisimula na ang party. I'm sure na mai-inlove sa'yo ang pinsan ko." Panukso niya.

Yazmin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon