Kabanata 39

51 25 0
                                    

"Speak." Kalmadong aniya nang makalayo na kami.

Sumandal ako sa puno at bumuntong hininga bago nag-tanong.

"What happened to her? Please tell me the whole information. I want to know if she's fine."

Hindi ko maiwasang mag-alala kay Yazmin. Ang isiping pinapahirapan siya ay parang mawawasak ang puso ko.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata at matalim na tinitigan. "Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa amin may gana ka pang kamustahin siya? H'wag ka nang magkunyari, kilalang kilala ka na namin." Umirap pa ito pero hindi ko siya pinansin.

Bumuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin. Pinanood ko kung paano mag-kislapan ang mga bituin sa langit.

"I think I love her."

"You think?!" Hindi makapaniwalang aniya.

"Hindi na ako magtataka kung bakit nahirapang mahalin ka ni Yazmin. You don't know your own feelings! Putangina, kaibigan ko ang pinaglaruan mo! Kayo ng pamilya mo! Huwag ka nang magtaka kung babalik siya at tanging masasamang tingin na lang ang ipupukol niya sa'yo." Muling sigaw niya at napaupo sa lupa. She's crying and I understand her.

I bit my lower lip as I remember the past.

"What are we doing here, Zed? Malalagot tayo kay Aunt Goearge kapag nalaman niyang nandito tayo." Bulong sa akin ni Hans. Takot ang mga mata niya at kanina pa siya hindi mapakali.

Nasa likod kami ng isang malaking puno, nagtatago. Aunt George won't stop talking about this human girl that she thought would change our clan's destiny. I'm bored and curious, so I disobeyed them and made my way to see the girl she mentioned.

Nagulat ako nang makita ang batang babaeng magulo kulot ang itim na buhok at maputi rin ang balat nito. Namumula rin ang mga labi niya at mapupungay ang mga bilugang mata. Nakabusangot ito nang lumabas sa kanilang bahay. She's also wearing her pajamas.

"I-Is that the girl Aunt George is talking about?" I asked Hans who's also amazed by the little girl.

"I don't think so." She's confused as me.

"Right. She's too young. She's not a threat to our clan."

"Not now, but she'll grow, Zed." Umirap pa siya at niyaya na akong umuwi.

Bumuntong hininga ako at muling tinapunan ng tingin ang batang naglalaro ng manika sa isang bench.

Ang akala ko hindi na ako muling babalik pa doon ngunit nagkamali ako. I kept on coming back to watch her. Inobserbahan ko ang mga galaw niya dahil sigurado akong may tinatago rin siyang abilidad at mailalabaw niya rin iyon habang lumalaki. A total of eight months has been passed when they moved to Manila. Simula rin noon ay hindi na ako muling bumalik doon. Hindi ko na rin sila sinundan pa dahil masiyadong mainit sa Manila.

"Balik ka na lang kapag sigurado ka na." Aniya sa likod ng mga palad niya habang humahagulgol.

Bata pa lang ay kilala ko na si Yazmin. Sinusubaybayan ko rin siya. Noong muli ko siyang makita, hindi ko pa rin maiwasang humanga dahil sa laki ng pinagbago niya. She grew as pretty as red roses and sweet as their aroma. Maybe I just don't want to admit that I'm attracted to her because I'm a hundred years older and her grandfather killed my parents.

"Sigurado ako, Jess!"

"Mahal ka niya, Zed. Mahal na mahal! Pero anong ginawa mo sa kaniya? Edi ginawang tanga at bobo! Inalipin mo pa at dinurog ang puso niya! Ganoon mo siya pinahirapan, Zed. Ganoon mo pinahirapan ang babaeng mahal mo na walang ibang ginawa kung 'di ang magpakatanga sayo!" Tumayo siya at dinuro ako.

Yazmin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon