Kabanata 31

60 38 0
                                    

Dumating na nga ang pinakahihintay ko sa araw na ito.

"Auntie!" Masiglang bati ni Zed at niyakap ang auntie. Pati si Hans ay niyakap niya.

Sinalubong namin sila dito sa sala. Tuwang-tuwa ang lahat lalo na si Zed. Malay ko ba sa kaniya. Ngayon ko lang siya nakitang naging masigla ulit. Minsan hindi ko din maintindihan ang ugali niya eh. Parang babae na may mood swing.

Aaminin kong nagseselos ako at nakaramdam din ako ng pagkairita nang masayang nagyakapan sina Zed at Hans kahit na alam ko walang dapat ikaselos doon.

Magkaibigan sila, Yazmin so please stop being a jealous girlfriend. Hindi matutuwa si Zed sa ugali mong iyan.

"Yazmin!" Nawala ang lahat ng iniisip ko nang takbuhin ako ni Hans at yakapin ng mahigpit.

"H-Hans, I can't b-breath." Natatawang sabi ko kahit sa totoo lang ay nahihirapan na talaga akong makahinga sa higpit ng yakap niya.

Agad naman siyang kumalas at nag-sorry. Natawa na lang ako.

"Siya ba iyong kaibigan mo, Yazmin?" Tanong niya nang balingan niya si Jessa na nakataas na naman ang isang kilay nito.

Sinenyasan ko siyang umayos siya. Mabuti na lang sumunod naman niya.

"Hi!" Bati niya kay Hans kahit naiilang siya.

"Hello there! I'm Hans."

"Jessa pangalan ko. In fairness ang ganda ganda mo 'te ah. Mabait pa! Hindi katulad ng ibang nasa tabi tabi lang dyan." Umirap pa ito nang nagkatinginan sila ni Dob.

Napailing na lang ako. Hanggang ngayon hindi pa rin sila magkasundo.

"Thanks, Jessa. You're beautiful too."

"Ha! Talaga? Hahaha! Salamat, Hans." Ang ngiti niya ay abot hanggang langit. Nilagay pa nito ang takas niyang buhok sa likod ng kaniyang tainga.

Napairap na lang ako sa ere.

"So? Welcome back, Yazmin Nagalle." Kinabahan ako nang batiin ako ni Mrs. Geoarge. Imbes na ako ang babati sa kaniya ay ako ang binati niya.

"Po?" Maang-maangan ko.

Alam ko naman kung anong tinutukoy niya pero hindi ko pa rin naiwasang magulantang.

"Nagugutom na ako. Let's eat." Ngumisi siya. Hindi niya ako pinansin.

"Sure, aunt---" hindi na natuloy ang sasabihin ni Zed nang may pumasok na lalaki.

Sa hitsura pa lang nito ay mapagkakamalan mong isa siya sa mga mahaharlika. Kulang na lang ang magarang kasuotan para talagang matatawag siyang maharlika o prinsipe. Simple lang kasi ang damit nito. Isang white long sleeves na itinupi hanggang siko at denim pants. Black naman ang kulay ng sapatos nito. Napansin ko ring may hawig sila ni Ms. Geoarge at Zed ngunit mas masiyahin nga lang siya ng kaunti kaysa kay Zed. Magkaano ano kaya sila?

"Oh! I forgot. My bad. Kasama pala namin siyang umuwi." Pagpapakilala niya. Lahat ay nagulat pwera lang kay Hans dahil kasama naman siya at alam na niya.

Nagkatinginan kami ni Jessa. Nagtataka kung bakit gulat ang kanilang ekspresyon. Sino ba ang lalaking iyan na kadarating lang?

"Zim?"

"Hey! Long time no see, my dear brother, Zed."

Nanlaki ang mga mata ko. Anong tinawag niya kay Zed? M-magkapatid sila?!

"Nanghihinayang talaga ako sa cellphone ko. Tsk. Kung ayos pa sana iyon edi may pang-picture sana tayo. Kasama din iyon sa memories!" Nakasimangot na sabi ni Jessa na kakaupo lang sa tabi ko. Hinihingal pa ito dahil nakipaghabulan lang naman siya kay Daniel. Akala mo naman mahahabol niya eh.

Yazmin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon