Kabanata 24

64 51 6
                                    

"Oh my gosh! Who's that guy na sobrang puti? Wait, ba't ang putla niya?" Tanong ni Jessa. Pabalik balik ang tingin niya sa akin at kay Zed.

Nagkatinginan kami ni Zed. Kumunot ang noo niya. Ngumiwi ako at muling binalik ang tingin kay Jessa na gulat pa rin ang ekspresyon sa kaniyang mukha.

Hindi na niya napigilang lumapit sa amin at umikot ikot pa siya sa akin. Pataas baba pa ang mga tingin niya kay Zed na ikinahiya ko dahil sa pinaggagawa ng kaibigan ko. Tikom lang ang bibig ko. Hindi ko kasi alam kung anong dapat kong sabihin kay Jessa o dapat ba akong mag-explain sa kaniya. Nag-aalala rin ako kung paano ko siya papakiusapan na ilihim ang pagtatagpo namin ni Zed.

"Hoy bruhita ka! Tinatanong kita kung sino iyang palihim mong tinatagpo dito sa likod. Saka bakit ba ang putla niya." Aniya at bago ko pa siya mapigilan ay nahawakan na niya leeg ni Zed. Para bang nichecheck kung may sakit ba siya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang matigilan siya. Dapat ko na bang sabihing bampira si Zed at kasintahan ko pa?

"S-Sorry. Hindi ko sinasadyang hawakan ka." Nahihiyang saad ni Jessa at mabilis na tinanggal ang pagkakahawak kay Zed.

Naibuga ko ang hanging kanina ko pa kinikimkim. Oo nga pala, hindi sila pangkaraniwang bampira kung hindi sila nagta-transform. Gayunpaman, bampira pa rin sila. Muntik na kami doon ah.

"Aha! Kanina pa ako nagsasalita dito ah." Ako naman ang nilapitan niya.

"Gusto mo atang isumbong kita sa mama mo." Pagbabanta niya na umepekto agad sa akin. Mabuti na lang kalmado lang ang katabi ko.

Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ang bibig niya pero agad ko rin namang tinanggal. "Oo na! Oo na, Jess! Sasabihin ko na sa'yo. I'll explain it to you later. Pero ipangako mo munang h'wag mo kaming isusumbong kay mama."

Tinaasan niya ako ng kilay. Namewang siya na parang nanay ko na pinapangaralan ako. Bumuntong hininga ako at pinagdikit ang dalawang palad ko.

"Please?" I pleaded. Mas tinaas pa niya ang kaliwang kilay niya. Hindi ko tuloy napigilang irapan siya.

"Ang ganda ganda mo kaya, Jess eh. Ang sexy mo pa kaya." Nag-puppy eyes pa ako habang sinasabi ang mga iyon kahit nakakasuka. Alam ko kasing nakukuha ko siya sa mga ganoon.

Tumawa siya ng parang isang mangkukulam. Bruha talaga. Tsk. Iyon lang naman ang hinihintay niya eh.

"Oo na, sige na. Pero in fairness babaita ka, ang gwapo gwapo ng jowa mo." Bulong niya sa akin. Binigyan niya pa ng malagkit na tingin si Zed.

"Ahm, I think kailangan mo nang umuwi, Zed. Ako na bahalang magpaliwanag sa kaniya. Goodnight, Zed." Baling ko sa kaniya.

Tumango siya at ngumiti ng pilit. Alam kong marami siyang gustong sabihin ngunit pinipigilan niya lang ang sarili.

"Hmm.. I love you, my dralin'." Paalam niya na nagbigay sa akin ng bolta-boltaheng kuryente. Pati ang katabi ko ay parang linta na nabudburan ng asin. Daig pa nga ako kung kiligin eh.

"Bye. Mahal din kita, Zed." Abot hanggang langit ang ngiti ko. Pati ang tainga ko ay pumapalakpak sa kilig.

Hindi naman na bago sa amin ang magpaalam na may kasamang I love you-han pero para sa akin ay sobra pa rin ang epektong dulot niyon sa akin. Kahit paulit-ulit niyang sabihin ang tatlong katagang iyon sa akin hindi pa rin magbabago ang kilig na nararamdaman ko. Hinding hindi ako magsasawa lalo na kapag galing sa taong mahal ko. Siguro naman maiintindihan ako ng mga tao kapag nagmamahal sila.

Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa na parang ayaw pa rin iwan ang isa't isa. Nauna na kaming umalis ni Jessa. Syempre, baka makita pa niya si Zed na dumaan sa kakahuyan. Ano na lang ang iisipin niya.

Yazmin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon