Kabanata 5

158 119 6
                                    

Gabi na ngunit narito pa rin ako pinapalibutan ng mga bampira. Hindi ko nga alam kung ano ang role ko dito eh. Paharang harang lang naman ako dito. Hindi ko alam kung anong trip nila sa akin. Tintrato naman nila ako ng maayos, pinapakain nila ako kapag gutom ako, hinahayaan nila akong maligo sa banyo nila kapag gusto ko, at nakakatulog ako ng maayos sa malambot nilang kama. Tinatrato nila ako na parang isang normal lang na tao dito sa mundo ng mga bampira.

May sarili na nga rin akong kwarto dito sa mansion nila eh. In fairness ah, mas maganda ang kwarto dito kumpara sa kwarto namin ni Ate. Hindi ko sinasabing ayoko nang umuwi sa amin ah pero mas maganda at malawak talaga ang kwartong ito. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil nangyayari sa akin ang lahat ng ito o tuluyan na talagang mabaliw dahil ito na talaga ang kapalaran ko, ang mabulok sa mundo ng mga bampira.

Minsan napapaisip ako kung iba kaya ang mundong Earth sa mundo ng mga bampira. Kahit naman kasi sobrang bilis ng kilos at pagtakbo ng mga bampira ay hindi kami agad makakapunta sa outer space at makakarating sa ibang planeta, 'di ba. At isa pa, hindi sila nakakalipad kaya malabong mangyari iyon.

Haayst! Heto na naman kasi ako sa malalim kong pag-iisip eh. Kung saan saan na nakakarating ang lipad ng aking imahinasyon.

Maya't maya pa ay narinig ko na ang pagpihit ng doorknob sa pinto ng kuwarto ko. Magtutulog tulugan sana ako ngunit pahiga pa lang ako ay nabuksan na niya ang pinto.

Akala ko si Hans. Na-disappoint lang ako nang makita ko si Zed na may sayad ang utak. Nakangisi pa siya sa akin. Hawak niya ang mukhang mga damit na gagamitin ko sa pagtulog.

Teka, hindi pa kami kumakain ah. Hindi ba sila naghahapunan? O baka naman sadyang hindi lang nila ako tinawag sa hapag at napag-isipan nilang patayin na lang ako sa gutom kaya hindi na nila ako papakainin.

Napasimangot ako sa isipan kong iyon. Mas gugustuhin ko pang mamatay nang dahil sa pagkaubos ng aking dugo kaysa naman sa mamatay akong walang laman ang tiyan ko. Hindi ako papayag doon. Kaya kung ayaw nila akong pakainin, edi hindi. Ano bang magagawa ko. Mamaya magalit na naman sa akin ang reyna.

"Here. Take a shower. Get ready and go to dining area. Susunduin ka ni Hans mamaya." Aniya.

Ayun naman pala eh. Tsk, inuuna ko kasi ang pag-ooverthink.

Tumango lang ako at kinuha ang hawak niyang sa malamang ay dress na naman. Hindi kaya sila nauubusan ng dress? Binatukan ko ang sarili ko. Malamang may mga mananahi rin sila. Tsk tsk, para akong timang na kinakausap ang sarili.

Tiningnan ko ang dress at sinukat iyon. Itim naman na ngayon at mahabang dress ang isusuot ko. Pantulog ito ngunit hindi mo malalaman kaagad dahil sa mga disenyo nitong talaga namang napakaganda.

Nag-shower na ako at inayos ang sarili ko. Ilang sandali pa ay pumasok na si Hans na suot na naman ang matamis niyang ngiti.

Sobrang ganda talaga niya. Kung lalaki lang ako noon pa ako nahulog sa mga ngiti niya.

Napatingin ako sa suot niyang dress na kahawig ng suot ko. Kulay pula nga lang sa kaniya at long sleeve. Samantalang ang sa akin ay bestida.

Kung hindi lang nila batas ang pagsuot ng dress ay malamang iisipin ko na naman na fashion competition ang nagaganap.

Kung sino ba naman kasi ang nagpatupad ng batas na iyon eh. Nakakaasar! Kailangan ko pa tuloy sabayan ang trip ng mga bampirang ito.

"Tara?" Aniya.

Tumango ako.

"Ang ganda mo talaga, Yazmin."

Uminit ang dalawang pisngi ko sa kaniyang sinabi. Napakamot ako sa pisngi at ngumiti sa kaniya.

Yazmin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon