Kabanata 1

263 151 14
                                    

Mamasyal na lang ako mag isa sa likod-bahay tutal wala naman akong masyadong gagawin ngayong unang araw namin dito sa LaNgur. Wala naman akong bibisitahing mga kaibigan. Sina Lola at Tiya Lucy lang talaga ang ipinunta ko rito.

Mas mahangin sa likod-bahay dahil maraming puno. Ayoko namang mabulok lang sa loob kaya gagala na lang ako mag-isa. Hindi naman ako lalayo ng bahay kaya wala naman sigurong mangyayari sa akin kahit medyo nakakatakot dito.

"Naks Azy ah! Saan lakad mo? Maporma masiyado ah." Bungad na tanong agad sa akin ni kuya Chaen, isa sa mga pinsan ko. Tiningnan niya pa ako paibaba-paitaas.

Anong nina-naks naks niya sa suot kong maong short at black v-neck shirt na may tatak pa na 'I Love Korea'. Tsinelas lang din ang suot ko kaya saan ang maporma sa suot ko.

"Anong nakakanaks dito, kuya Chaen? Maporma na ba ako sa tingin mo sa lagay na ito?" Nakamewang kong tanong. Tumawa lang sya at inakbayan ako.

"Saan ka ba pupunta, Azy? Sama mo naman ako oh. Sa tuwing bumibisita kasi tayo rito, nagkukulong ka lang sa kuwarto mo o kaya ay nasa tabi lagi ni Lola. Ngayon lang kita nakitang gumagala. Mag-isa pa. Baka naman may nobyo ka na rito Azy ah ng hindi namin alam. Hindi mo man lang sinabi sa amin. Nakakatampo." Ngumuso pa na mas lalong nagpapangit sa kanya. Lihim akong natawa.

Inirapan ko lang siya at tuloy-tuloy akong nagmarcha. Hinayaan ko na lang siyang magsalita ng magsalita. Sobrang daldal talaga niya.

"Pa, ma, pakisabi na lang kina lola at tiya na mamasyal lang ako sa labas."

Nagluluto sila ng pang-umagahan kasama sina tiya Andy at tiyo Rady, kaya tinanguhan lang nila ako. Busy sila masyado. Dapat tumulong na lang ako sa kanila kaso nakakatamad at baka pagalitan lang ako kapag nagkamali.

"Sige po." Paalam ko at lumabas na.

Sunod lang din ng sunod si kuya Chaen. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagsasalita. Hindi ata nauubusan ng ikukwento. Tango at iling lang ang tinutugon ko sa kaniya kapag may itatanong siya sakin.

Mas binilisan ko na lang ang lakad ko para hindi niya ako mahabol. Wala ako sa mood para makipag kwentuhan kay kuya Chaen. Kaya nga tatambay ako rito sa forest para makapag isip ng payapa. Gusto ko ring libutin ang buong LaNgur since ngayon lang din ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumabas at gumala. Malaki naman na ako kaya kaya ko ang sarili kung may mangyari man.

Sa tuwing nagbabakasyon kasi kami rito ay hindi ako masyadong lumalabas ng bahay nina lola Ayda sa kadahilanang wala nga akong mga kaibigan dito. I don't make friends. Gusto ko, sila ang dapat lumapit sa akin para makipagkaibigan katulad ng mga kaibigan ko sa Maynila. Sila ang lumapit sa akin dahil nga mahiyain ako. Tumutulong na lang ako sa mga gawaing bahay at sa pag-aalaga kay lola at lolo, noong nabubuhay pa si lolo.

"Wait lang. Azy, hintayin mo ako!" Sigaw ni kuya Chaen at sinubukang habulin ako pero para hindi niya ako mahabol niligaw ko siya. Bahala siya sa buhay niya. Hindi naman na siya bata para hindi alam kung paano bumalik sa bahay.

Nang masiguro kong wala na ang presensya ni kuya Chaen binagalan ko na ang paglalakad at in-enjoy ang tanawin. Umupo ako sa isang malaking bato.

Napamura ako nang mapagtantong napalayo pala ako masiyado. Mukhang nasa kalagitnaan ako ng gubat. Hindi ko rin kabisado ang daan kaya hindi ko alam kung pano bumalik.

Pagod na't nauuhaw, naligaw pa ako. Bwiset! Hindi si kuya Chaen ang nailigaw ko kun'di ang sarili ko mismo. Ang tanga ko talaga kahit kailan. Akala ko mag-eenjoy at makakapag pahangin ako, napahamak pa ako ng wala sa oras.

"Paano na 'to?"

Bahala na nga lang.

Tumayo na ako. Nilibot ko muna ang paningin sa kagitnaan ng kakahuyan. Sa kagustuhan kong hindi makasama si kuya Chaen ayan tuloy, sinampal ako ni karma.

Yazmin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon