Kabanata 25

58 43 0
                                    

Hapon na ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Zed nang ikuwento ko sa kaniya ang napanaginipan ko.

"Sshh, It's just a dream, darlin'. It won't hurt you, but if anything were to happen to you, I'm always here. I'm your safe zone."

Halos mangisay na nga ako sa kilig ngunit hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Naniniwala pa naman ako sa mga sabi-sabi na maaaring magkatotoo ang napanaginipan mo o pwedeng sign iyon kung ano ang mangyayari sa future mo.

Hindi talaga mawala sa isip ko ang babaeng nakita ko sa panaginip ko. Sa dami ng taong nasa panaginip ko, iyong babaeng kamukhang kamukha ko pa talaga ang malinaw sa akin.

Nararamdaman ko ang galit niya na para bang ako mismo ang nagagalit sa mga kalaban niya. Hindi ko nga lang alam kung anong dahilan.

Matanong nga kay mama kung may kambal ba akong namatay o kaya ay nawalay sa akin. O baka naman totoo ang naiisip kong ampon lang talaga ako? Umiling iling ako. No. May video pa nga si mama noong pinanganak niya ako.

There's only one way to find out.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap, anak."

Speaking of my mother.

Umalis ako sa pagkakasandal sa puno at sinalubong si mama. Nandito kasi ako sa garden ni lola. Since rest day namin ngayon kaya may oras ako para mag-isip.

Gumala sina kuya Chaen at Jessa sa bayan ng hindi man lang nagpaalam sa akin ang babaeng iyon. Eh kung sabihin ko kayang crush niya si kuya Chaen. Tsk. At saka, kaysa naman makipagbangayan ako kay ate, mag-aaway pa kami na parang mga bata, pumunta na lang ako dito sa garden ni lola. Nagbabakasakali ring biglang sumulpot si Zed.

"Bakit po, ma?" Tanong ko.

"I... I h-have something to tell you."

Kumunot ang noo ko nang hirap siyang sabihin ang mga salitang iyon sa akin.

Bigla akong kinabahan. Masama ang kutob ko at hindi ko 'to nagugustuhan.

"Ano po 'yun, ma?"

Diretso ang tingin sa akin ni mama. Seryoso siya sa sasabihin niya kaya mas lalo akong kinakabahan. The more na seryoso si mama the more din na hindi maganda ang kinalalabasan para sa akin. And I hate what I'm feeling right now.

"He's already waiting."

Kumunot ang noo ko. Feeling ko ang lalim na ng pagkakakunot ng noo ko. Paano ba naman kasi, hindi ko maintindihan kung ano ang sinabi ni mama. Malay ko ba kung sino ang naghihintay sa akin--- Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi kaya...

"Mr. Uribein is waiting for you, anak." Paglinaw niya.

Si dok? Siya lang pala. Akala ko pa naman alam na ni mama.

"Bakit po ako hinihintay ni dok, ma?" Tanong ko nang malinawagan na ako.

Nagtaka ako nang umiling si mama. Napabuga siya ng hangin at niyakap ako.

"Basta tandaan mong mahal na mahal ka namin, anak. Mag-iingat ka sana palagi." Bulong niya.

Pagkatapos niyon ay iniwan na niya akong tulala at naguguluhan. What was that for? Bakit ba palagi na lang nilang ginugulo ang isip ko? Nakakabaliw kaya mag-isip ng kung ano-ano. Pwede bang pagpahingahin muna nila ang utak ko?

"Tsk." Naibulalas ko dahil sa bigat ng pakiramdam.

Bumuntong hininga ako at pumasok na naman sa kakahuyan. I need some fresh air. Imbes kasi na rest day ko ay mas lalo nila akong pinapagod kakaisip.

Yazmin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon