Kabanata 33

62 27 2
                                    

Days passed but we're still stocked inside these white walls. Dinadalhan nila kami ng pagkain tatlong beses sa isang araw ngunit sino nga ba ang makakakain ng maayos kung kami'y nakakulong.

Nilipat kami sa isang mas malawak na kulungan. Nadagdagan ng banyo at kama para may gagamitin kami kung sakali mang maliligo o tawagin ng kalikasan. Ngunit wala pa ring pinagbago ang hitsura nito. Tulad din ng sa dati. Kulay puti ang bawat sulok.

Hirap din akong makahinga ng maayos at sobra akong nag-aalala sa kaibigan ko dahil hindi pa rin magaling ang namamagang likod ni Jessa. Ilang araw na ang lumipas simula nang ihagis siya ni Zed sa matigas na pader. Kaya laking pasalamat kong hanggang sa pamamaga lang umabot ang likod niya kung 'di hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka tuluyan na akong mabaliw ng tuluyan kapag nagkataon. She don't deserve this kind of treatment. Ako dapat ang maparusahan dahil nagpakatanga ako sa lalaking 'yon.

"Jess? Patingin nga ng likod mo?" Nag-aalalang tanong ko.

"Pang-ilang beses mo nang tinanong iyan sa akin, Azy. I know you're worried but I'm fine. Okay na naman na ako, okay? H'wag ako ang alalahanin mo. Ang alalahanin mo ay ang kung paano tayo makakalabas sa impyernong ito." Aniya na ikinailing ko.

Pwes hindi ako ganoon.

"No. Nag-aalala ako dahil mahal kita bilang kaibigan ko, Jessa. At natatakot ako na baka lumala ang likod mo at iyon pa ang ikapahamak mo. Ayokong may mangyaring masama sa iyo so please, h'wag ka na magmatigas. Hihingi ako ng tulong sa kanila."

Kung matigas ang ulo niya mas matigas ako. Tatayo na sana ako nang hawakan niya ako sa aking pulso. Sakto namang bumukas ang pinto. Siguradong isa na naman iyon sa mga maids na inutusan nilang dalhan kami ng aming pagkain.

"Bakit kayo ang nagdadala ng pagkain namin?" Tanong ni Jessa sa pumasok.

Nagtataka naman akong lumingon para malaman kung bakit niya sila tinanong ng ganoon. Ngunit laking gulat ko nang makita si Zed kasama si Hans.

Hindi ko alam kung maiilang ba ako o magagalit. Noong nakaraang araw kasi ay narinig kong nag-uusap ang dalawang maids na nagdala ng pagkain namin. Nag-uusap sila tungkol sa relasyon nilang dalawa. Sobra akong nasaktan nang malaman kong sila na pala ulit.

Nang marinig ko ang balitang iyon ay parang ilang ulit na sinaksak ang puso ko ng paulit-ulit dahil sa sobrang sakit. Lalo na noong ma-realize kong ako lang pala ang naging hadlang sa pagmamahalan nilang dalawa.

"Here's your foods. Kamusta na kayo?" Si Hans ang nagsalita. Hindi nila pinansin ang tanong ni Jessa.

Tsk. Mukha ba kaming okay sa lagay na ito? Binobobo ba nila kami o sadyang sila talaga ang bobo.

"Ano sa palagay mo?" Sarkastikong tanong ko.

Ayoko sanang maging bitter pero hindi ko mapigilan.

Sumama ang tingin sa akin ni Zed pero hindi ko siya pinansin. Na kay Hans lang ang tingin ko.

"Yazmin, honey---"

Hindi ko na napigilan ang sarili at galit siyang tiningnan.

"Don't you ever call me on that endearment anymore kung puro pampaplastik lang din!" Sigaw ko.

"Zed!"

"N-Nasasaktan a-ako." Nahihirapang sabi ko kay Zed. Hindi ko pala namalayang nakalapit na siya akin at sakal sakal na ako.

Hindi naman ako malapitan ni Jessa dahil nahihirapan pa rin siyang makatayo.

"Zed, put her down! Calm yourself, please." Nagmamakaawang pigil sa kaniya ni Hans na dininig naman niya.

Yazmin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon