Prologue

324 150 20
                                    

Narinig kong bumuntong hininga ang kasama ko.

"Paniguradong iikutin ko na naman ang buong bahay ngayong bakasyon. Magsasawa na naman ako sa pagmumukha ninyo." Bulong iyon ngunit alam kong pinariringgan niya ako. Salubong ang kilay ko siyang nilingon.

"Wow ate ah. Ikaw pa talaga ang magsasawa? Ha! 'Di bale, kung ikaw magsasawa pa lang, kami sawang sawa na sayo! Hmp!" Sabi ko at pinaikot ang mga mata ko. Parang batang nagmamaktol.

"So sumasagot sagot ka na ngayon? Ganun pala ha..." Nanlaki ang mga mata ko nang agawin n'ya ang selpon ko at akmang ibabato sa pader pero mabuti na lang bumukas ang pinto at pumasok si mama. Pinandilatan n'ya si ate kaya no choice sya kun'di ibalik sakin ang selpon ko.

Tuwang tuwa naman akong kinuha iyon at binelatan pa si ate. Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya hindi ako nagpatalo, tiningnan ko rin siya ng masama. Naputol lang ang madugong titigan namin ni ate nang sumingit si mama.

"Tama na nga iyan. Ang tatanda nyo na para pag-awayan ang maliliit na mga bagay." Suway ni mama sa amin. Lumapit sya sa amin at tumabi sa akin.

"Hindi na kayo mababagot dito sa bahay dahil aalis tayo ngayong bakasyon. Tuma--" Hindi na namin siya pinatapos sa pagsasalita dahil sa excitement.

"Talaga ma?!" Sabay pa naming sabi ni ate. Napatayo pa kami dahil sa sobrang tuwa.

Once in a blue moon lang kaming lumabas kaya hindi ko maiwasang magalak. Nakakasawa na ang bahay lalong lalo na ang unggoy kong kasama. Mabuti sana kung may pera ako para makasama ako sa gala ng barkada pero butas naman ang bulsa ko. Marami na rin akong utang sa kanila kaya hindi muna ako magpapakita sa kanila para makalimutan nila.

Saan kaya kami pupunta? Sana sa Boracay o kahit saan basta may beach. Ang init pa naman ng panahon.

"Sa LaNgur ba, ma?" Tanong ni ate. Tumango-tango naman ako at hinintay ang isasagot ni mama.

"Patapusin nyo kasi muna akong magsalita. Wala kayong galang sa mama niyo." Kunwaring nagtatampong sabi ni mama. Natawa naman kami ni ate sa tinuran ni mama. Para kasi siyang bata kung umasta. Sa kaniya talaga kami nagmana. Childish.

"Saan nga, ma?" Kasi kung sa probinsya ng Lames Ngurumi o mas kilala bilang Province of LaNgur na naman kami pupunta, paniguradong mabobored lang din ako doon. Wala naman kasi akong ibang kakilala roon bukod kay tiya Lucy, lola Ayda, at si lolo Tang na pumanaw na noong nakaraang taon ay wala na akong ibang kilala roon na malapit sa akin. Ako kasi 'yung tipong hindi nakikihalubilo sa mga taong hindi ko masiyadong kilala kaya ni isang kaibigan doon ay wala. Hindi katulad ni ate at ang mga pinsan ko na mabilis lang makahanap ng kakaibiganin. Mabuti pa sila. Kaya kung sa LaNgur lang din kami pupunta ay hindi na ako sasama.

"Saan pa nga ba edi sa kay lola niyo. Sabi kasi ng inyong tiya Lucy na may sakit daw ngayon si nanay. Kailangan ng inyong tiya ang makakasama sa pag-aalaga sa kaniya. Siyempre para kako makapagbisita na rin isasama ko kayo kasama ang mga pinsan nyo." Ngumiti siya, hinihintay ang magiging reaksyon namin.

"Talaga ma? Yes! Magkikita na naman kami ng mga friends ko doon!" Halos tumalon na si ate sa sobrang tuwa. Sumimangot na lang ako.

Hindi na lang ako sasama sa kanila. Magpapaiwan na lang ako dito kahit mag-isa lang ako dito sa bahay. Bibilhin ko na lang lahat ng kakainin ko dahil hindi naman ako marunong magluto.

Hindi sa ayaw ko siyang alagaan, I just don't want to spend my free time caring and worrying for her. Kaya naman na iyon nina ate.

"Oh Azy, bakit parang hindi ka ata masaya na bisitahin si nanay?" Tanong ni mama nang mapansing tahimik ako.

Humalukipkip ako at binagsak ang katawan sa kama. Parang anytime gusto kong umiyak. Wala nga akong kaibigan doon. Magiging lonely lang ako roon at magiging nurse ni Lola. Ako na naman ang magiging utusan nila.

Sinubukan kong makipagkaibigan doon ngunit sa sobrang pagiging mahiyain ko nagiging awkward ako at pinagkakamalang weird.

"Ma naman, alam mo namang wala akong kaibigan doon, edi parehong mabobored lang din ako doon. Buti pa sina ate at mga pinsan ko, may close friends sila doon. Magpapaiwan na lang ako, ma. Pakisabi na lang kay lola na babawi ako sa kaniya next time." Sabi ko at naglaro na ng wormszone. Iyong usong game app na nilalaro ng mga kabataan ngayon.

"Huh? Kung ganoon, edi maiiwan kang mag-isa dito. Sinong magluluto ng kakainin mo, bobo ka pa man din pagdating sa kusina. At saka, kung di ka sasama malamang magtatampo si lola. Alam mo naman 'yon, matampuhin katulad mo." Sinamaan ko ng tingin si ate dahil sa sinabi niya. Kontrabida talaga siya sa buhay ko kahit kailan.

Bago pa kami mag-away ulit ay pumagitna si mama sa amin. Wala na talaga akong magagawa nang sabihin niyang walang maiiwan dito. Sinabi rin niyang mag-impake na kami dahil bukas na bukas ay diretso agad kami sa pagbiyahe. Matapos niyon ay umalis na siya.

Alas singko y media pa lang ay bumyahe na kami dahil malayo ang LaNgur. Goodbye for awhile Manila. I will miss you talaga.

Dalawang van ang ginamit namin papunta sa probinsya. Ang isa ay pagmamay ari ni papa kung saan kaming apat ang nakasakay. Sa kabilang van na pagmamay ari naman ni tiyo, bunsong kapatid nina mama at tiya, na kung saan naman nakasakay ang pamilya niya.

Buong byahe ay nakanguso lang ako. Selpon at tulog lang ang ginawa ko. Paminsan minsan ay kumakain kapag nagutom. Gabi na nang makarating kami sa LaNgur. Nagpapasalamat talaga ako dahil hindi kami natraffic sa biyahe dahil kung natraffic kami ay aabutin kami ng isang araw sa biyahe.

Sinalubong kami ni tiya Lucy nang makababa kami sa van. Tinulungan din niya kaming ipasok sa loob ng bahay ang mga gamit namin. Sinamahan niya rin kami sa dati naming kwarto. Kami lang ang gumagamit nito kaya bakante ito sa tuwing umaalis na kami.

"Tiya, nagugutom na ako. Nagluto ka po ba?" Maya't maya ay tanong ni ate. Hawak niya ang kaniyang tiyan at umarteng nagugutom.

Napaikot ko na lang ang mga mata ko. Katatapos niya lang lumamon kanina heto't nanghihingi na naman ng pagkain. Patay gutom talaga.

"Aba, oo syempre naman, neng. Ikaw Azy? Hindi ka ba nagugutom?" Baling niya sa akin.

Umiling ako at ngumiti. "Hindi na po ako kakain, tiya. Inaantok na kasi ako eh."

"Hay nako, o siya sige, magpahinga ka na at aasikasuhin ko pa sila sa ibaba." Tumango lang ako at humiga.

"Ang lalaki niyo na pala talaga, neng."

"Gumanda pa kamo, tiya."

"Aba'y totoo ang 'yong sinabi, neng."

Rinig ko pang usapan nila. Nagtatawanan pa sila bago ko marinig ang pagsarado ng pintuan at ang mga yabag nila pababa.

Ginala ko ang tingin sa loob ng kwarto.

Hindi pa rin nagbabago ito simula noong huling punta namin. May mga ilang nasira lang na siguro ay dulot ng mga sakunang dumaan dito sa LaNgur. Nilipat na rin sa ibang pwesto ang ilang gamit dito. Ang kama ay nilipat na malapit sa bintana, katabi ang drawer. Sa harap naman ng kabinet nakalagay sa gilid ang maliit na table at isang upuan. Doon na rin nakasabit ang malaking salamin. Halatang hindi pinabayaan ang lugar dahil malinis ito at maayos. Mahal nga talaga ni lola ang bahay na ito dahil kahit mismong mga kwarto na minsan lang kung gamitin ay hindi nya pinapabayaan.

Umupo ako sa gilid ng kama. Hinawi ko ang kurtinang bulaklak ang design. Binuksan ko ang bintana. Napapikit ako nang tumama sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin. Napapalibutan kami ng ilang punong kahoy tulad ng niyog kaya kahit summer na ay malamig pa rin ang simoy ng hangin.

Ayoko mang aminin pero nakakamiss pa rin talaga rito. I don't like this place but at the same time, I can't hate it.

Yazmin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon