CHAPTER 7 DANGER in HER NAME

34 2 0
                                    

Hunger Cafe.

Nandito kami ngayon sa Cafe ni Katniss, kakambal ni Maddox. Sila ang anak ni Tito Miguel. Triplets ang mga daddy namin. Miguel, Marco (daddy ni Scarlet), at si daddy ko, si Marcellus.

Saming magpipinsan ay pareho kaming long range fighter ni Katniss. I love guns and she loves archery. Kaya hindi kami pwedeng maging magkabakas, baka kami pa ang magbarilan at magpanaan kung sino ang lalapit sa target. Hehe.

Business minded ang kambal na ito. Sila ang may hawak sa funds and all. Ang paglabas at pagpasok ng pera ay sila ang nagmamanage. Si Maddox naman ay may bar (THE FORT) 10 blocks away from here. Itong cafe ay sinunod sa paboritong palabas ni Katniss na siya ring pinagkuhanan ng pangalan niya, ang The Hunger Games. Ang bar naman ni Madd ay sinunod din sa pangalan niya. Maddox means FORTunate kaya di na nakapagtataka. (Refer to chaper 5)

Dito na namin napagkasunduang mag agahan ni Scarlet dahil pagod daw siya. Tss baka puyat, malamang bago dinalaw ng antok to e binlackmail niya nanaman ang mga umaaligid kay Tonton. Ako naman ay pumayag nalang dahil hindi talaga ako nagigising ng maaga. Magising nga ng maaga hirap na ako. Paano pa ba ang magluto para sa agahan?

Patapos na akong kumain samantalang hindi pa tapos kakapicture ng pagkain niya tong babae sa harap ko. I ordered caffè macchiato and egg bread toast.

Siya naman ay wala sa menu ang inorder. Avocado toast and an extra large matcha green tea latte. Mostly kasi ay puro sweets ang nasa menu. Mahilig sa bata si Katniss kaya sa tabi nitong cafe ay ang Hunger games hall niya. Pwedeng mag enroll ang mga elementary students dun para matuto ng archery. May dart boards din na pang bata.

Mas maiksi ang pasensiya sakin ni Kat kaya pinagbawalan niya ang mga high school sa gaming hall, baka tarakan niya daw ang mga ito dahil sa kayabangan at kabulastugan.

Ayos din kung magdadagdag sila ng green foods kagaya ng inorder ni Scarlet lalo na at malapit sa campus namin to. Siguradong papatok yun sa mga modelong secondary at college students yun. Actually papatok sa lahat yun dahil madalang ang medyo malaman sa campus namin. Tss elites and their annoying standards of beauty.

Sanay na siguro si Katniss sa order ni Scarlet dahil siya pa mismo ang naghanda ng order nito. Tambayan namin to dati pa.

Pagkatapos kong higupin ang huling lagok ng kape ko ay kinindatan ko lang si Kat at nauna na ako sa kotse ko. Naiirita ako sa nakukuhang tingin sa mga kalalakihan dun sa cafe. Pailalim silang tumingin kaya nababanas ako. Boys and lusts and stupidity.

Kinuha ko lang ang nilagay kong tubig at panyo sa backseat kanina at nilagay na yun sa bag ko. May dalawang karton ng tubig sa backseat ko at isang mini drawer na may shirts,handkerchiefs at face towels.  Mas mahalaga sa cellphone ko tong mga to no.

Pamaya-maya pa ay sumakay na din si Scarlet sa passenger seat dahil ako na ang magdadrive, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at mapasabog ko na ang buong parking lot pag siya nanaman ang humawak sa steering wheel ko, she's the most harebrained driver na nakasama ko.

Pagdating sa room ay uminom muna ako ng tubig tsaka dumukdok. Pawisin ako kaya ayokong mag gagagalaw. Si Scarlet naman ay kahit magtatatarang ng magtatatarang ay hindi man lang labasan ng kahit butil ng pawis. Kaya puro dami ang kinakain. Haha.

Saktong alas otso ay pumasom sa room si Ginang Tagacay at nagsiupuan naman na lahat. Napansin kong bakante pa rin ang dalawang upuan sa tapat namin ni Scarlet.

Binalik ko na ang tingin ko sa harap at tumaas ang kanang kilay ko ng makitang nakatingin sakin si ma'am. Ginantihan ko lang na malamig na tingin ang titig niya na mukhang kinagulat niya kaya mabilis siyang nag iwas ng tingin.

Misanthrope: When a Badass Breaks the Rule (S L O W  U P D A T E)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon