CHAPTER 11 SITUATION

26 2 0
                                    

I'm sorry for the grammatical errors, typos and all. I'll fix them soon.

Thank you for giving my first story a chance! Medyo nababagalan din ako mag update ng marami sa isang araw to be honest. Sa phone lang po kasi and mine's broken so yeah.

Here's another update , Enjoy!

                                ~«»~

Kumakain na kami at hindi talaga inaalis ng Westmont na to ang tingin sakin. Hindi ko naman pinapakitang naaapektuhan ako kaya gumaganti ako ng titig.

Timing is everything honey. Just wait, I'll make things fair later.

Siya ang unang bumitaw para sumubo at kitang kita ko ang pag angat ng labi at bahagyang pag iling niya. Nagfocus nalang ako sa pagkain at pinag isipan ang kahihinatnan ng usapang ito.

Matagal ng batas ang pagkakanya kanya ng bawat angkan. Ang tangi lamang naming nagagawa ay ang pakikipag business venture sa labas ng hierarchy.

Limang angkan lamang ang pasok sa angkan at hindi pa kami naaalis sa unang pwesto. Pangalawa ang mga Cullen, sumunod ay ang Ventura,Cruz at Mendoza. Bago lang ang Mendoza dahil napalitan nila sa pwesto ang mga Baustista. Nagpapalitan lamang ang angkan ng Ventura at Cruz sa pwesto.

Mula ng magawa ang Misanthrope rule ay wala pang magkaibang angkan ang gumawa ng ganitong klaseng agreement. Hindi kami nagkikita o nagpapansinan man lang laging nagkakataon at hindi yung ganitong pinagplanuhan.

Aaminin kong nakakaramdam ako ng kaba dahil mukhang ako ang sasalo kung may gulo mang paparating. Maayos ang pamumuno nila lolo at papa kaya gusto ko ding ganun sa termino ko.

Ang pakikipagkita ay himala na, paano pa kaya ang pahingi ng tulong lalo pat pangalawa sila sa pwesto. Kung bakit samin sila lumapit ay hindi na nakapagtataka dahil kayang kaya namin yun. Pero ang paglabag sa rule ay hindi basta-basta. Mukhang matagal at malalim na usapan ito.

Nang matapos kaming kumain ay naghain naman sila ng red wine sa ibabaw ng mesa. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"Maaari na ba nating umpisahan? Maaga pa ang pasok namin bukas." Sabi ko nalang para makatulog ng maaga.

Nagmistulang hudyat ang mga salitang lumabas sa bibig ko dahil nagseryoso na ang lahat. Bumigat ang paligid at tila sakal ang hangin.

"Maaaring nagtataka kayo sa biglaang paglapit namin sa inyo para sa proteksyon ng mga anak ko." Naputol ang pahayag ni tanda ng biglang napatayo si Westmont at madilim ang kanyang mukha.

"WHAT?!! Anong proteksyon ang sinasabi mo Dad? Akala ko ba ay business meeting to?" Iritadong sabi niya. Stupid. Ni hindi nga pwede ang business business meeting satin e. It's more of a mission dumb ass.

"Huminahon ka." Kalmadong pabor ni Tanda at sumunod naman siya.

"Madaming mga tanong ang umiikot sa lamesang ito ngayon, batid ko iyon lalo na para sa inyo mga bata. Namulat at pilit ipinamulat..." sabay tingin sakin ..."ang Misanthrope rule sa inyo ngunit" pumikit siya at nagulat kaming lahat sa sunod niyang sinabi, "hinihingi ko na magsama ang ating mga pamilya"

TF!

Napatingin ako kay tito at nakapikit lamang siya. Nagmulat siya at diretso akong tiningnan sa mata. Halos malaglag ako sa kinauupuan ko sa sinagot niya.

"At pinahihintulutan ko ito."

TF! TF!

Wala naman talaga akong pakialam sa rule ngunit malaki sa parte ko ang hindi ma proseso ang usapang ito. Bakit?

Misanthrope: When a Badass Breaks the Rule (S L O W  U P D A T E)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon