"Di nga darling? Tinawagan ka ni lolo?" Pangungulit ni Scarlet habang nakatambay kami sa veranda.
"Yeah, pero hindi naman yun ang good news na gusto kong sabihin sa inyo." Sagot ko habang nakatitig sa binabasa kong libro.
"May point. Kung si Madd ang tinawagan ni Lolo, malamang blessing yun dahil bibigyan nanaman nang bagong sasakyan yun pero dahil sayo tumawag, siguradong sinumpa ka nanaman nun. HAHAHAHAHAHA." Nakangising aniya pero tanging tawa niya lang ang narinig kaya napanguso naman siya.
"Ano ba kasing good news yan?" Tanong naman ni Tonton na nakapadekwatro habang kalaro ng playing cards ang kambal niya.
"Buhay si Theodore Cullen." Walang alinlangan kong sagot kaya naman halos mahulog silang lahat sa kinauupuan. Napaalalay naman agad ako kay Mon na biglang tumayo kaya siguro nabinat yung tahi dahil napahawak sa dibdib.
"ANO?!" Tanong ni Tonton na naiusog pa ang inuupuan habang nanlalaki ang matang nakatingin sakin.
Inuna ko naman muna si Mon na inalalayan ko paupo ulit. Inayos ko ang unan sa likuran niya at pinatungan ko ng kumot ang hanggang bewang niya.
"Say it again?" Pagkuha ng atensyon ko ni Tonton pero nanatili ang tingin ko kay Mon.
"I have been thinking about your tito for the last weeks and ..." at kinuwento ko sakanila lahat mula nang makita ko ang picture nito sa kanilang sala hanggang sa nakuha kong bala mula kay boss.
"Kaya mo pala pinadala dito yung..." tila nag iisip na sabi naman ni Scarlet kaya tumango nalang ako.
"Sigurado ka nang hindi si tito yung pumatay sa parents mo baby?" Nagaalala ngunit nangangamba ding tanong sakin ni Mon.
"Yeah. I got it tested in my laboratory and Boss is the one who's responsible for our parent's death." Sagot ko habang nakatingin kay Scarlet na naluluha na.
"Then how could you conclude that our tito's alive?" Tanong naman nang hindi makapaniwalang Tonton.
"I've seen him lying in his coffin for 7 days. He's dead." Napapailing pang aniya pero nagawa pa ding aluin si Scarlet.
"Instinct." Sagot ko naman at tanging si Tonton lang ang napakunot ang noo dahil seryoso lang na nakatingin sa malayo si Mon habang tumatango tango naman si Scarlet.
"I know that it's too much for me to believe that our parent's are still alive that's why I need to find Theodore. He's earlier death before my parents happened for a reason. He can't be there during the ambush for nothing. I know he knows everything about the past." Desididong ani ko at nagulat pako nang bigla nalang pumamewang si Scarlet sa harap ko kay napatingala ako.
"At ano nanaman bang hinithit mo at sinolo mo nanaman to ha babae?" Nagagalit galitang aniya pero isang tapik nalang naman ay paiyak na.
"Cool ako e." Pabiro kong sabi kaya mas napanguso siya at namumula na din ang tungki ng ilong niya.
"Puro ka kasi kayabangan e. Paano kung mamental breakdown ka nalang dahil sinolo mo yung nalaman mo ha? Paano kung maisipan mo nalang sunugin condo mo sa sobrang galit at pait? Edi nadamay mga pink na gamit ko?!" Maarteng aniya kaya napailing nalang ako. Kingina neto, mas mahalaga pa yung mga yun talaga amp.
"Siraulo." Sabi ko nalang kaya naman naupo na siya pero matalim pa din ang tingin sakin.
"Sating dalawa baka ikaw ang gumawa sa lahat ng sinabi mo kaya umayos ko kung ayaw mong lumipad pauwi ng Pilipinas nang hindi sumasakay sa eroplano." Pagbabanta ko naman nang maalalang sinunog niya ang sarili niyang kwarto dahil sa pambubully sakanya noon tapos umiyak dahil late nang narealize na nandun lahat ng paborito niyang kulay pink na bagay bagay.
![](https://img.wattpad.com/cover/219297380-288-k952987.jpg)
BINABASA MO ANG
Misanthrope: When a Badass Breaks the Rule (S L O W U P D A T E)
ActionMISANTHROPE. Being at the top of the hierarchy means you should live with the principle of being one. Rule: TRUST NO ONE. But what if, a mission made the most important person of the Castellano's clan, the first in command, felt something strange y...