Habang nakadukdok ako sa lamesa ay hindi mapigilan nang mga mata ko ang mag init at unti unting nanubig ang paningin ko kaya naman tumuwid ako nang upo at itiningala ang ulo ko.
"m-may nagpapabigay po." mabilis ngunit pautal na aniya sakin bigla nang isang estudyante na hindi ko naman nilingon dahil nga sa pagbabadya nang mga luha ko. ilang beses pakong huminga nang malalim at ipinikit pikit ang mga mata ko nang mawala na ang biglang mabigat na pakiramdam na yun sa dibdib ko.
napakunot naman ang noo ko nang matanaw ko sa tabi nang pinto ang isang sulat. tss. hindi man lang nilapit nang konti sakin. reklamo ko pa dahil nasa dulo ako nang classroom. padabog akong tumayo kaya naman natumba pa ang upuan ko pero di ko na yun pinansin pa dahil nasa ibang classroom pala ako at dali daling inabot ang sulat na yun sabay bulsa at lumipat sa tamang klase namin.
"pupunta nalang ako sa guidance mamaya, you may continue. " walang lingunan kong sabi habang naglalakad sa harap nang teacher namin na parang nagulantang pa sa biglaang pagpasok ko nang late sa klase niya.
"o-okay." maiksi na lamang na aniya tsaka ipinagpatuloy ang kung ano mang isinusulat niya sa whiteboard.
"huy, saan ka galing?" pabulong na tanong agad ni Scarlet sakin pagka upong pagkaupo ko at nanatili akong tuwid na nakaupo at tanaw ko naman sa peripheral vision ko na nakatingin sakin si Sab at Sofia.
"sa tabi-tabi." sagot ko nalang at sabay nang paglingon ko sa gilid ko ay siya ring pagbaba nang tingin nung dalawa.
"bakit nandito ka?" tanong ko pa kay Scarlet dahil hindi naman kami magkaklase ngayong subject na to. "I can't miss the fun sweet Belle." maarteng aniya kaya naman inalis ko nalang ang tingin sakanya.
Nagdaan pa ang ilang minuto at mahahalata ang pagiging bibo ni Sabrina sa pagsagot sa mga tanong nang guro. tss. kung hindi kita kilala ay baka mapabilib mo pa ako pero alam naman nating dalawa na wala ka ring interest sa pag aaral.
matapo nang klase na tanging si Sabrina lang ang matinong kumakausap at sumasagot sa mga tanong nang guro ay nanatili akong nakaupo sa hindi malamang dahilan. "hoy, di pa tayo aalis?" litong tanong ni Scarlet sakin pero nanatili akong nakatungo.
"So Sabrina, gusto mo bang sumali sa group namin?" nakangising tanong ni Sofia.
"wala naman akong narinig na may group work na dapat gawin." puno nang kainosentehan namang sagot ni Sab at nanatiling nakatingin pa din sakin si Scarlet.
"I mean, sa circle of friends ko dear. " pekeng ngiti naman ni Sofia sabay hiklat sa balikat ni Sabrina nang hindi man lang ito huminto sa pag aayos nang mga gamit.
"i'm talking to you kaya show some respect newbie girl" puno nang kayabangan na aniya pa pero halata namang pilit lahat nang eksena nila.
"I'm never good at watching dull scenes." biglang tayo ko kaya naman napakunot ang noo sakin ni Scarley dahil sakanya ako nakatingin. "what?" mahinang bulong bulong niya pa na halatang na wiwirduhan sa ginagawa ko. "don't play dumb infront of me, it's annoying. if you really want to play this stupid game with me, play your part with your best, maybe through that you can make me entertained." walang alis sa mga mata ni Scarlet na ani ko at nakita ko pa nang mag umpisa na akong maglakad palabas ang nakangangang bibig ni Sofia at ang pagkumyos nang kamao ni Sabrina.
"right." biglang hinto ko pa kaya naman napahinto din si Scarlet sa pagsunod sakin. but this time ay pinasadahan ko nang tingin si sofia at nagtagal ang titig ko kay Sabrina, "How else would you play such dirty game better than being stupid and outlandish, you can't even cover your bitchiness with that innocent facade. stop it Sab, you're starting to irritate me." walang gana ngunit may diin ang bawat salitang ani ko at pagtalikod ko ay saka ko palang nilabas ang pagkakakunot nang noo ko.

BINABASA MO ANG
Misanthrope: When a Badass Breaks the Rule (S L O W U P D A T E)
AksiMISANTHROPE. Being at the top of the hierarchy means you should live with the principle of being one. Rule: TRUST NO ONE. But what if, a mission made the most important person of the Castellano's clan, the first in command, felt something strange y...