"Paige, uuwi ka na."Napatingin ako kay Lola na hindi ko napansing nasa bukana na pala ng pinto, may pag-aalala sa kanyang boses at ang nawala ang sigla sa kanyang mata. Nag-iba ang kanyang ekspresyon, hindi ito katulad ng kanyang aura kaninang dumating ako.
Wala akong nagawa kundi mag-buntong hininga, kinagat ko ang aking labi at marahang isinawsaw ang paintbrush sa tubig. Gusto kong magpanggap na wala akong narinig ngunit malinaw iyon, at kahit anong pagpapanggap ko ay hindi mababago ang katotohanang kailangan kong umuwi.
"I just came here po, four hours ago. Hindi ko pa nakakalahati ang painting ko, Lola. Hindi ko matapos tapos itong drawing sa gitna, I can't start to paint at the right side either... At noong isang linggo pa po itong tambak dito." Wika ko at tumingin sa kanya, naupo siya sa gilid ng aking kama habang tinatanaw ako. Nakatayo ako sa isang maliit na upuan, kasalukuyan kong kinukuluyan ang pader ng aking silid gamit ang brotsa at mga kulay ngunit sa tingin ko ay hindi ko na maitutuloy iyon.
Kung wala lang dito si Lola, baka naihagis ko na ang mga pinturang nakapatong sa isa pang upuan. Nag-iinit ang ulo ko. Ayaw kong umuwi, that's the only thing in my mind right now. Ngunit pinipigilan ko ang sarili na gawin iyon, marahil ayaw ayaw kong makita ni Lola ang aking bayolenteng reaksyon. She will worry so much about me, baka hindi siya makatulog mamayang gabi.
"Tumawag ang Ate mo, sinundo raw niya ang Daddy mo sa airport. Ang sabi nila ay... Mag-cecelebrate raw kayo." Wika pa nito, bumaba ako sa upuan at itinali ang aking buhok. Hinayaan kong malaglag sa gilid ng aking ulo ang ibang hibla nito.
"I'll just tell them to move it tomorrow. I'll sleep here, Lola. And besides, mas gusto kong mag-celebrate kasama ka. Kasama si Lolo, kasama si Peachy." Ani ko ngunit malungkot itong ngumiti.
"Ija, I'm so happy because you've finished college na. Masaya kami ni Lolo pero sa tingin ko ay mag-iinit ang ulo ng Papa mo kung malalaman niyang dito ka dumiretso pagkatapos ng graduation mo."
Tumayo siya at kinuha ang aking toga na nakapatong sa kama, pinanood ko lang siyang tiklupin iyon. Napailing ako, I can't believe this. I'm already twenty one, I just finished college. Nagawa ko na ang gusto nila ngunit pakiramdam ay nakakulong pa rin ako. When will they set me free?
"Uuwi rin ako dito, Lola. Kapag may schedule sa ibang bansa si Daddy, dito ulit ako. Tatapusin ko iyan..." Ani ko at tinanaw ang aking hindi matapos tapos na obra.
Gustong gusto ko talagang manirahan dito kasama si Lola ngunit hindi ko magawa. Would it be too much if I admit that once in my life, hiniling ko sa Diyos na matagalang umuwi si Daddy para matagal din ang pananatili ko dito. But it would just take him one to two week, and that's not enough for me.
"Sure, lilinisan ko ang kwarto mo para kapag bumalik ka ay hindi makalat. You can paint at ease, hindi ba?" Lumapit siya sa akin at ibinigay ang aking toga. Ngumiti ako sa kanya at tinanggap iyon. "Oh siya, halika na. Baka nandyan na ang sundo mo." Hinawakan niya ang aking kamay at sabay naming nilisan ang aking silid.
Lumakad kami sa isang maluwang na pasilyo, at nakita ko sa bawat pader nito ang iba't ibang obra. Palagi ko nang nakikita ang mga ito, sa tuwing tutuloy ako sa aking silid ay parang nakatingin at nakikipag-usap rin sa akin ang mga larawan na iyon.
"Mama really took her time while doing her masterpieces..." I whispered. Napatigil ako sa tapat ng aking paboritong gawa niya, lahat ay magaganda ngunit ito ang nagmamay-ari ng puso ko. "But for me, this stands out the most."
BINABASA MO ANG
Your Melancholy Calls To Me
RomancePaige was a realist, until Isaiah became her idea. Isaiah was an idealist, before Paige became his reality. As the two lost souls found home in the lonely roads of Luzon, bizarre things greeted them. Melancholy, perhaps. But if odds create somethin...