Kabanata 7

221 29 5
                                    

"Kung gagawa ako ng isang obra ngayon, ikaw ang una kong modelo. Ikaw ang magiging Sabel ko..."

Napalunok ako, hindi ko kayang iiwas ang tingin sa kanya marahil parang hinihigop ng kanyang mata ang lahat ng atensyon ko. Itinaas niya ang kamay sa ere kaya naman napatingin ako doon, he wants a fistbump. Tipid akong ngumiti at itinaas din ang akin, nagtama ang aming kamao ngunit iba na ang pakiramdam 'non. Ang maiksing segundo na nagtama ang aming mga balat ay parang ilang boltaheng kuryente na ang dumaloy sa aking buong katauhan.

"Seventh fist bump, I think I won't lose count..." Wika pa nito at inilipat na ang tingin sa mga sculpture at painting. Sandali rin akong humiwalay sa kanya habang sinusuri ang mga gawa ni BenCab, hindi lang kami ang tao dito sa silid ngunit dahil sa kanyang sinabi kanina ay parang nawala ang presensya ng iba.

Habang tinitignan ang mga iyon, nanguha na rin ako ng mga litrato. Sabel. Napatigil ako nang marinig ang boses niya sa aking utak at tainga, muli kong tinignan ang obra na iyon at parang nalulusaw ang buo kong pagkatao. Sabel.

"Hey, can I take a picture of you with her?" He asked me, napangiti ako at tumango. Pumwesto ako sa harap ng obra, sa harap ni Sabel. Itinapat niya sa akin ang lense ng camera at agad akong ngumiti, narinig ko ang pagpindot niya at nang matapos ay pinanood ko siyang tignan iyon habang nakangiti.

"Hindi ko siya kamukha, pero bakit parang tuwang tuwa ka?" Bulong ko, kibit balikat naman itong hindi pinansin ang tanong ko at iniba na ang usapan. Grabe, kung sasabihin niya bet niya ako edi... Pakbet!

"Have you checked it all? Gusto mo nang lumipat?" Nagulat ako nang maramdaman ang kanyang presensya sa aking likod, napatingin ako sa kanya at marahang tumago. Sabay kaming naglakad papunta sa Bulol Installation, iyon ang nabasa ko tabi ng pinto bago kami pumasok.

Sa loob, makikita ang mga mga bulol collections ni Ben Cab. Ito ay mga sculpture na gawa sa kahoy, itim ang kulay nito. Kumbaga, ito ay mga anito o sa english, mga worshipped gods. Ang aesthetic ng ayos ng mga ito, very insta-worthy but I am not here for the aesthetic. I'm here for the story, the beauty of every art of BenCab Museum.

"Nahihiya na akong magsalita, baka alam mo na rin naman ang tungkol dito..." Bulong niya sa akin, mahinhin akong natawa at umiling. Maybe I know some, pero gusto kong ulit-ulitin niya. Repeat it a couple of times or more than hundreds, I won't mind! Hanggang galing sa bibig na iyan, papakinggan ko.

"Go on, you seems to know a lot about these sculptures and I want to know too." Wika ko naman, marahan naman itong tumango at pinanood ko siyang iikot ang tingin sa silid.

"It's a human figurine carved in a Narra wood. Ang sabi, sinisimbolo raw nito ang kayamanan, kasiyahan at kabutihan. Bago raw gawin ang mga iyan, they conduct a ceremony. Mula sa pagpili ng puno para sa kahoy na gagamitin hanggang sa makarating sa bahay ng may-ari. These were bathed in pig's blood, they recite myths, and recieved offerings. Call it Bulol..." Nakatingin ako sa mga anito habang sinasabi niya iyon, kaunti pa ngang tumaas ang balahibo ko.

It wasn't the first time I saw something like this personally, but hearing the background of it makes me shivered a little bit. "Hmm, I can't imagine it..." Bulong ko sa kanya at nanguha ng ilang litrato, narinig ko naman ang kanyang mahinang pagtawa. Itinapat ko sa kanya ang camera, mula doon ay nasilip ko kung paano siya kumunot sa akin. "You look like an anito..." Ani ko.

He giggled once again as I clicked, tinignan ko iyon at tipid na ngumiti. Maganda... Ang ganda tignan.

"Am I? I'll take that!" Sambit pa nito.

Sandali pa akong nilibot iyon, hanggang sa lumipat ulit kami sa isa pang gallery.

It was called Prism and Parallelism, and Rodel Tapaya opened his solo exhibit in Gallery Indigo. According to what Isaiah told me, he features folklores in his masterpieces. Mga mytholohical heroes at mga tauhan sa mga libro ang laman ng kanyang gawa. I want to learn his style, and of course how did he end up doing his subjects. I want to know more about it too, maybe when I go back home, mas malawak na ang tanaw ko tungkol sa pagpinta at obra.

Your Melancholy Calls To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon