It was later that moment when the consultant Doctor talked and discussed to Isaiah's Father about the benefits and risks involved about the transferral of his son in a hospital with high and advance facility. Buo na ang loob ng lahat, bago pa man kausapin ng doktor ang Tatay ni Isaiah ay alam naming iisa lang din ang patutunguhan 'non, Isaiah will be transferred. After his Father signed up a mandatory informed consent before leaving, the decision was then pursued.The hospital offered to provide Isaiah a medical treatment that minimizes risk to his health, they wish to provide the patient a Doctor and nurses to accompany him until he is transferred safely in the recieving hospital. Ngunit tinanggihan na namin iyon sa kadahilanang may isinamang Doktor at nurses sina Daddy sa kanilang pagpunta dito, sinabi na naming sila na ang aasikaso sa pasyente. It wasn't a long talk, after they gave us Isaiah's medical record related to his emergency condition, nagsimula na kaming gumayak.
Sa isang ambulansya sa isasakay, provided by the hospital, hanggang sa makarating kami kung saan inilapag ang private plane ni Daddy. Abala ang ama ni Isaiah sa pakikipag-usap sa hospital kung saan siya idadala kapag nakarating na kami, habang ako naman ay taimtim na nagpapasalamat kina Ate Amy at Manong Ben.
"Kung wala po kayo, hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Maraming salamat po..." Ani ko, ngumiti sila sa akin at bahagyang tumango.
"Masaya kaming tumulong, at hihintayin namin kayong bumalik..." Sambit pa ni Mang Ben, kinuha ko ang aking pitaka mula sa aking bag at kaagad na inabot sa kanila ang lahat ng cash na mayroon ako. Iniabot ko iyon sa kanila ngunit hindi nila inilahad ang kamay sa aking harapan. "Nako, Ineng... Ayos lang. Ang mahala ay maayos na ang nobyo mo..." He added.
Kinuha ko ang kanyang kamay at inilagay ang pera doon, itiniklop ko pa para hindi niya na tuluyang maisauli sa akin.
"Sa ganitong paraan ko lang po kayo kayang tulungan, pasensya na po kung hindi kayo nakapangisda at nakapagtinda sa palengke..." Wika ko at hinawakan ang balikat ni Ate Amy. Sila ang patunay na sa oras na wala kang masasandalan, may mga tao pa ring makakaintindi at sasamahan ka. "Maraming salamat po, sana ay makabalik kami dito..." Wika ko pa.
I shook my hand with them, sabay kaming lumabas at pinanood ko sila mula sa entrance ng hospital na sumakay ng tricycle pabalik sa tabing dagat. Nang makalayo na sila ay tumuloy ako sa aking Volkswagen, kinuha ko doon ang mga gamit namin ni Isaiah. Nagbuntong hininga ako at iniikot ang tingin sa kabuuan nito, nasaksihan nito kung paano lumago ang isang buto at namunga ng pagmamahalan.
It was the best few days of my life, but it's sad that it will end up like this.
Tinulungan ako ng isang katiwala ni Dad sa pagbubuhat 'non at inilagay sa isang van, dito sumakay sina Daddy kasama ang ama ni Isaiah sa pagpunta nila dito. Kahit siguro nasa kadulo-duluhan ako ng Pinas makarating, kaya niya pa rin akong mapantuhan. Sa aking palagay ay nakipag-usap siya sa iilang tao, he surely contacted his connections for this one to happen.
"Kayo po ba ang magdadrive nitong bus, Kuya?" Tanong ko habang isinasara ang pinto nito.
"Opo, Ma'am. Isinama po ako ni Sir para idrive iyan pabalik..." Aniya at agad naman akong tumango. Inilagay niya ang mga gamit sa compartment ng sasakyan habang ako ay tumuloy sa ambulansya. Tinanaw ko si Isaiah, mulat ang mata nito.
Umakyat ako sandali at hinipo ang kanyang pisngi. "I'll be with Dad, you'll be fine here right?" I asked, nakita ko ang kanyang pagngiti at marahang tumango. Itinaas niya ang kamay at nakuha ko kaagad ang kanyang nais na sabihin.
Nagtama ang aming kamao, kinuha ko ang kanyang kamay at marahang hinalikan iyon. "twelfth fist bump..." Bulong ko. Hindi ako nanatili doon, kailangan ko na ring lumabas kaagad upang hindi kami pare-parehas na matagalan.
BINABASA MO ANG
Your Melancholy Calls To Me
RomancePaige was a realist, until Isaiah became her idea. Isaiah was an idealist, before Paige became his reality. As the two lost souls found home in the lonely roads of Luzon, bizarre things greeted them. Melancholy, perhaps. But if odds create somethin...