Hindi ako natulog, marahil ay nakokonsensya ako. I don't want to rest knowing that he is restless. Ang sabi niya sa akin kanina, kapag pagod na ako ay sabihin ko sa kanya dahil hahalinhinan niya ako. Ngunit hindi ko pa sinasabing pagod ako ay agad kaming nag-palit, dahil lang sa rason na gusto niya akong kausap.
"It'll be nice to be out of the city for once," I shared, gusto kong buksan ang bintana ngunit hindi ko magawa. Kahit nakalabas na kami sa syudad ay alam kong hindi pa rin malinis ang hangin. "Ikaw, lagi lagi mong nararanasang lumabas. Hindi ka ba nag-aaral?" Ibinaling ko ang tingin sa kanya. He come with me because I told him I was curious, edi ngayon ko na siya tatanungin.
"I graduated last year, Bachelor of Arts Major in Fine Arts..." Aniya. "But I don't work like making graphic designs or paint, I invest in exhibits. Either local or international. The last time I went outside, I bought a stock from Van Gogh Alive..."
Hindi ko alam kung nilalaro ba ako ng tadhana ngayon pero hindi ako makapaniwalang lahat ng gusto kong makuha ay nakuha niya na. Freedom, Peace, Fine Arts. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaunting inggit, kaunti nga ba?
"Hmm, that's good. How was it? Fine Arts?" Hindi ko naiwasang itanong iyon. I don't want to focus on him buying stocks, halata namang mayaman siya mula nang ilabas niya ang kanyang black card. But I want to know something. "How does it feel?" I continued.
Napatingin siya sandali sa akin bago ibalik ang tingin sa daan. "How was it? I don't want to brag but I guess if you immerse yourself into it, it'll just be easy." Ngumiti ako, iyon din ang sinasabi ko sa sarili ko. Na kung sa Business Administration ay nagawa kong maging una, imposibleng hindi sa gusto ko talagang gawin. But no one seems to understand that except Kuya and Ate.
"Why did you asked? Ano ba ang kursong kinuha mo?" Pagtatanong nito.
"Bachelor of Science, Major in Management Accounting. Twenty one years old, Magna Cum Laude." Tumingin siya sa akin at tumaas ang dulo ng kanyang labi. He sweetly smiled at me, itinaas niya ang kamay at nakipag-fist bump naman ako. "Third fist bump." Bulong ko pa.
"You never disappoint, Paige. But mind if I ask... Why didn't you took fine arts?"
Tumingin ako sa labas ng bintana at naisip bigla ang mga sinabi ni Daddy. Arts won't take me anywhere, hindi ako mabubuhay o mapapakain man lang. Someone should remind me that people can kill a dream just like that.
"Priorities, I guess? My Dad is a chairman in a big clothing line, he wants me in his field too so... iyon ang kinuha ko. And then, maybe a year from now, I'll take Law. Mas maganda daw kung may alam din ako sa batas, it would help the business too." I shared, ibinaling ko sa kanya ang aking atensyon at nakita ang marahan niyang pagtango. "Are you disappointed now?" Nakangiti ko pang tanong.
We don't like being disappointed.
"Me? To you? No, of course not. Sabagay, you're still young. You can take another course, ans still be in your 20s." Natawa ako nang sabihin niya iyon, napatingin siya sa akin at tipid na ngumiti. "He wants you to excel in his field, but how about you? Don't you want to excel in your own field too?" Dahan dahang nawala ang ngiti sa aking labi nang marinig ang kanyang itinuloy, marahan kong hinagod ang aking buhok at nag-iwas ng tingin.
Someone finally understands.
"May dalawa akong kapatid. Ang isa ay Lawyer, ang isa naman ay Businesswoman. Ang Tatay ko ay ginugol na halos kalahati ng buhay niya sa negosyo, so tell me, why would I take Fine Arts when I am surrounded by these people?" Gusto kong subukan ang kanyang pagkakaintindi, kung sasang-ayon ba siya sa aking sinabi o hindi. Sa loob loob ko, sana ay hindi. I want him to contradict the thought that I made up. I want to try him.
BINABASA MO ANG
Your Melancholy Calls To Me
RomancePaige was a realist, until Isaiah became her idea. Isaiah was an idealist, before Paige became his reality. As the two lost souls found home in the lonely roads of Luzon, bizarre things greeted them. Melancholy, perhaps. But if odds create somethin...