I thought today will just be like yesterday, sugar and sweet to be exact, but it was not. Just like what I told him last night, I wish to walk around to witness the sunrise. Ang plano ko pa, makikiligo kami sa isang restroom sa labas bago tuluyang lisanin ang La Union at muling kakain sa karinderya sa tabi ng daan habang nakakamay. Sabik akong sabihin sa kanya na gusto ko ring matuto kagaya nang sinabi niya kagabi.It was more than a dream, it was not solitude anymore. It was happiness in every wave of the ocean and adoration in every streak of sunlight. It was Isaiah. But yesterday is not as same as today and today is an opposite of yesterday.
Natulog akong ang katawan ay nakakulong sa kanyang bisig, ang mga kamay ko ay naglakbay sa kanyang mga likod habang hinahayo siyang matulog sa himbing at mapunta sa lugar ng panaginip. Ang mga daliri niyang naglalaro sa aking buhok at pati na rin ang kanyang marahan na paghinga, iyon ang natatandaan ko kagabi.
Ngunit nang magising ako ay wala nga talaga siya tabi ko, bumangon ako upang ayusin ang sarili at sandaling umupo. Sinasabi ko sa aking sarili na ilang segundo, o ilang minuto lang ay dadating iyon. Dudungaw iyon sa pinto at ngingiti, babati ng magandang umaga. Iyon ang nasa isip ko. Ngunit minuto ang nagdaan, buong tatlumpung minuto ay walang dumating na Isaiah.
Lumabas ako ng sasakyan at tinanaw ang kabuuan ng dagat, kalmado ang lahat ngayon. Wala pang mga tao sa mga kubo at hindi pa nagbubukas ang mga kainan. Bumalik ako sa loob ng sasakyan, I checked his phone from the seat at nakita ko ngang nakapatong iyon doon. Kinuha ko at tinignan ang oras, mag-aalas sais pa lang. Huminga ako nang malalim at naupo, niyakap ko ang sarili at hindi naiwasang kabahan.
Kinagat ko ang labi at muling lumabas dahil hindi ko na matiis ang nararamdaman. Naglakad ako sandali habang nagbabakasakali na makasalubong siya ngunit habang tahimik kong pinapakinggan ang mga alon ng dagat ay isang malakas na sigaw ang narinig ko.
"Tulong! Tulungan niyo ako! Tumawag kayo ang ambulansya, may tao dito!"
Nakita ko ang isang lalaking mula sa malayo, sa kanyang balikat ay makikita ang limbat at may hawak pa itong timba. Paulit ulit itong sumigaw at naghahanap ng tulong hanggang sa magsilabasan mula sa maliliit na bahayan ang ibang tao dito. Sa puntong iyon, iisa lang ang nasa isip ko. Ngunit, sana ay mali ang aking napagtanto.
Mabilis akong lumakad papunta sa kanyang kinaroroonan, ang kanyang mga kapitbahay ay pinaligiran siya. Iba ang kabog ng aking dibdib, tila may batong biglang pumatong sa aking balikat. Hindi ko alam kung anong takbo ang ginawa ko upang makarating doon, marahan kong isiniksik ang sarili sa nagkukumpulan ng tao at napaluhod na lang ako sa buhangin nang makita si Isaiah doon.
Naramdaman ko ang pamumuo ng luha mula sa aking mata at ang malamig na simoy ng hangin ay parang nag-iba, agad kong ipinatong ang kanyang ulo sa aking binti at hinawakan ang pisngi nito.
"Isaiah, si Paige ito... Isaiah.. Isaiah..." Paulit-ulit na sabi ko, hindi ko marinig kung ano ang mga sinasabi ng tao dahil ang buo kong atensyon ay nasa kanya lang. Maputla ang kanyang labi, ang kulay niya ay malamya at hindi iyon ang natural na kulay niya. Lupaypay ang katawa at hindi nagrerespond sa aking pagtawag. But above all, he is still breathing.
"Ineng, tumawag kami ng ambulansya. Kasama mo ba siya? Mukha naman kayong hindi taga-dito..." Sunod sunod ang aking pagtango sa isang babaeng naupo sa aking tabi. Marahan niyang hinawakan ang aking balikat at tila pinapakalma rin ako.
"Hindi ko po alam kung anong nangyari sa kasama ko! Tulungan niyo po ako!" Pagmamakaawa ko sa mga taong ni hindi pamilyar sa akin. Nanlabo ang aking tingin at unti unting bumuhos ang aking luha pababa sa aking pisngi, wala akong nagawa kundi pilitin si Isaiah na imulat ang mata.
BINABASA MO ANG
Your Melancholy Calls To Me
RomancePaige was a realist, until Isaiah became her idea. Isaiah was an idealist, before Paige became his reality. As the two lost souls found home in the lonely roads of Luzon, bizarre things greeted them. Melancholy, perhaps. But if odds create somethin...