Mula sa ilang metrong distansya namin sa isa't isa, matagal ko siyang tinitigan. Inabot niya ang tasa, inilapit sa bibig at humigop doon. Umayos siya ng upo at muling tumingin sa akin, narandaman niya ba ang aking pagtitig? Hindi ko na nakuhang ipikit pa ang mata, para bang may bumubulong sa akin ngayon na manatiling dilat.The sight of me sleeping, it is what he wants to see. Iyon ang narinig ko mula sa kanyang bibig, and as far as I know, since we met he never lied to me.
"But I can't sleep anymore," Ani ko at bumangon, tumaas ang kanyang kilay at naupo naman ako sa kama. Hinagod ko pa ang aking buhok at nagbuntong hininga. "May inaalala ka ba kaya hindi ka makatulog?" Diretso kong tanong. Nanatili sa akin ang kanyang mata at nalulunod na naman ako sa mga titig na iyon. Hindi ko alam kung ilang segundo, tatlo ba? Lima? Sampu? Hindi ko rin alam.
"Paige, matulog ka na... Ang sabi mo sa akin ay inaantok ka na. Look at you, you're obviously just half awake." Inabot ko ang tasa at uminom doon, napangiwi ako nang malasahan ang kapeng barako. "Hindi masarap?" Tanong nito habang nakangiti.
"Pang-tatay kasi 'yang taste mo," Ani ko at ibinaba na iyon, he laugh a little when I said that. "Kaya ka hindi makakatulog, pangpagising 'yang kape mo. Well, lahat naman ng kape pangpagising. Nagtaka ka pa kung bakit hindi ka mapakali." I added.
"Nag-staring contest kami ng ceiling, nanalo siya." Natawa ako sa kanyang sinabi at sinagi ang kanyang katawan gamit ang aking paa. "Suntukin mo na lang kaya ako? Para tuloy tulog?"
"Don't be so nonsense, dalagang filipina ako. Mahinhin, marikit, Maria Clara." Confident ko pang sabi kahit alam kong pati sarili ko niloloko ko na. Gusto ko lang siyang tumawa, mapagod kakatawa hangga't maisip niyang kailangan niya ring magpahinga sandali. I won't sleep just because he loves to see the sight of me sleeping, I'd rather laugh with him right now and until the sun breaks.
I'd like to laugh with him, from now and the following days too.
"Maria Clara is just an archetype created by Jose Rizal to describe the role of women in the society during the Spanish Era. Weak, docile, lead to kitchen, and ready to fulfill anything just to keep the family intact." Pagpapaliwanag niya, wala na lang akong nagawa kundi pakinggan iyon at tumango. Ang hirap naman mag-joke sa mga matatalino, para silang walang sense of humor. "You aren't Maria Clara for me." He whispered.
Sandali akong natigil, ang kaninang mata kong nakatingin sa kanya ay bigla kong naiiwas. Tumingin ako sa kapeng barako, nanatiling tahimik at hinihintay lang ang kanyang susunod pang sasabihin.
"Sabel. Hindi ikaw si Maria Clara ngunit si Sabel. Sa iyong pag-iisa makikita ang iyong kalakasan. Sa iyong mata, nahanap ko ang kapayapaan." Mabilis na dumapo sa kanya ang aking mga mata, kusang tumaas ang dalawang sulok ng aking labi at bukas loob kong tinanggap ang papuri sa kanyang sinabi.
Itinaas ko ang kamay, and he bump his fist into mine. "Ninth fist bump." I whispered, I guess this fist bump series won't end. It may take more than twenty, thirty or even hundreds. I won't mind, it won't be underrated for me. "I like that more, that Sabel. So when will you paint me? I'm excited, gandahan mo ha!" I continued.
He extended his arm and patted my head, hinayaan ko siyang gawin iyon hanggang sa nilaro niya na ang aking buhok. I won't cut it, kung iikli ay wala na siyang paglalaruan so I won't cut it. "When we go back home, I will surely do it. I'll paint you the way I remember you, with the undone hair and bare skin. For sure, I'll create a masterpiece."
Mahinhin akong natawa, "No one turn me into a masterpiece so I told myself I'll be my own..." Mahina kong sabi.
"Then I'll be the first one, Paige. You will be my first masterpiece."
BINABASA MO ANG
Your Melancholy Calls To Me
RomancePaige was a realist, until Isaiah became her idea. Isaiah was an idealist, before Paige became his reality. As the two lost souls found home in the lonely roads of Luzon, bizarre things greeted them. Melancholy, perhaps. But if odds create somethin...