Kabanata 8

200 25 2
                                    


Pangalawang tibok.

Iyon ang unang naramdaman ko nang sabihin niya iyon. Hindi pangkaraniwang tibok ng puso, iba iyon. Iniabot ko ang kanyang kamay na nakapatong sa aking pisngi at hinawakan ang pulsuan nito. Dahan dahan ko iyong ibinaba at binawi na ang kamay. Sandali ko siyang binitawan at ibinaling sa mga isda ang tingin.

"Buti na lang tinawag ka... Kung hindi, hindi ko rin alam ang gagawin ko." Mahina kong sabi. "You're right, it's nice to have someone who can save you from the edge of your breaking point. But it's best to know someone who..." I reached for him while my eyes are still into something else. I reached for his wrist once again because I know it's the only part of him I can hold for now. "Listens, understands and comfort." I ended.

Ngunit hindi ko inaasahang gagapang ang haplos niya mula sa aking pulsuan pababa sa  kamay, naramdaman kong pinagtiklop niya iyon at tila nanigas ako sa kanyang ginawa. Dahan dahan kong ibinaba ang tingin doon, he reached me out too. And the whole heaven, including God and Pete, knows that I am loving his touch.

Now it wasn't the only part of him I can touch. Not just his wrist, but his hand too. Iniangat ko ang tingin sa kanya, nakita ko ang pagguhit ng matamis niyang ngiti sa labi at tinignan din ang aming kamay.

"It's quite odd because things went fast, and everything happens within twenty four hours. But if odds create something as beautiful as you, as out of the world as what I'm feeling right now, then may the odds be with us always." Humigpit ang kapit niya sa akin, mas lalo kong nagustuhan iyon.

Tama siya, parang pumikit nga lang ako at biglang nandyan siya. He was no one, yesterday. He was an acquaintance, last night. But now, he is more than a friend but a little bit of a lover. He is something. I know, he is.

Ngumiti ako at marahang tumango, no more explanations nor contradictions. I agreed to what he said.

Nanatili kaming nakatayo roon, ilang mimuto pa. Pinapanood ang iilan na nagsasaya sa gitna ng strawberry field, ang iba ay nangunguha rin ng litrato. Halatang masaya sila. Napatingin ako sa aking kasama at isa lang ang masasabi ko, masaya rin ako.

Nang manamnam namin ang kagandahan ng hardin ng BenCab, lumakad na kami paalis doon. Umakyat kaming muli mula sa pang-apat na lebel hanggang makarating sa una, magkahawak pa rin ang aming kamay at kagaya niya, hindi rin ako humiwalay. Binuksan ko ang backseat at inilagay doon ang gamit, napatingin ako sa kanya na nakatingin din sa akin.

"Masakit ang ulo mo, hindi ba? Try sleeping here for awhile, I'll drive..." I offered, agad naman itong umiling kaya napairap ako. "Kung ayaw mo, ibababa ko na ang gamit mo tsaka uuwi na lang ako. Alam ko namang mayaman ka, kaya mong bumili ng sasakyan ngayon para tumuloy sa Ilocos." Diretso kong sabi kaya sumimangot ito.

Hindi ko naman gagawin iyon, hindi naman ako ganoon kasama. Lalo na at iba ang kabog sa aking dibdib ng mga sinabi niya kanina. "Ah, you're good at negotiations. Alright, I'll be there. Pero mamaya lang, hahalinhinan din kita." Aniya, ngumiti ako at marahang binawi ang kamay. Tinapik tapik ko ang kanyang balikat habang may mapaglarong ngiti.

"You know, I have art materials there. Enjoy yourself in the backseat ha?" Pang-aasar ko pa kaya naman natawa na lang ito. Kinuha ko sa kanya ang aking jacket at isinuot iyon, pumasok na siya sa backseat kung saan pwede siyang mahiga dahil maluwang iyon at ako naman ay tumuloy na sa driver's seat.

"I told you, hindi ganoon kasakit Paige. I can manage..." Pagpipilit niya pa, tinignan ko siya sa salamin at agad na umiling.

"Isaiah, choose now. Stay in the backseat or I'll leave you here." I buckled up my seatbelt as I said that. "Ano? Iwan na kita?"

"Iwan mo na ako?" Automatic yatang tumaas ang aking kilay, nanliit ang aking matang tinanaw siya sa salamin habang ito ay may ngisi lang sa labi. "Okay na! Dito na ako, hindi na ako lalaban!" Palihim akong napangiti nang sabihin niya iyon, grabe! Wala na akong masabi!

Your Melancholy Calls To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon