The tour around the Museum of Juan and Antonio Luna wasn't that exhausting, maybe because it wasn't that big unlike BenCab museum but even though it just took us almost two hours of walking around and talking about their memorabillas, it was sure full of fun. Lalo na at may isang gwapo dito sa tabi ko.I can visit different museums around the globe for the rest of my life, if and only if I have Isaiah by my side.
"Ikaw pa rin ang madadrive?" Tanong ko habang palabas kami ng museo, marahan naman itong tumango. Sinimangutan ko ito ngunit matamis na ngiti lang ang kanyang isinagot sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na ako sa passenger seat, umikot naman siya upang makarating sa driver's seat.
I buckled down my seatbelt at inayos ang pagkakaupo, kinuha ko ang cellphone sa dashboard at tinignan kung anong oras na. It was eleven in the morning, hula ko ay kaunting minuto na lang at magrereklamo na ang aking tiyan.
"Do you still want to go to Vigan City or are we going straight to La Union?" He asked, sandali akong tumingin sa kanya at kibit balikat na hindi nagsalita. Isinuot niya na ang kanyang seatbelt, he started the engine as he turned his gaze to me again. "Bakit? Pagod ka na rin?" Sambit pa nito.
"Ikaw, kung gusto mong dumaan... Ayos lang naman sa akin. It'll just be an hour of byahe right?" Nakita ko naman ang kanyang pagtango. "Baka sumakit na naman ang ulo mo, hindi ka talaga sanay sa byahe? Porque lagi kang naka-eroplano?" Pagbibiro ko, naramdaman ko na ang pag-andar ng sasakyan kasabay ng kanyang pagtawa.
"Ayaw kong pag-usapan 'yan, baka mamaya ay sabihan mo na naman akong may rich kid problem." Natawa ako nang marinig iyon, masanay na siya! Lagi ko na talagang isisingit sa usapan namin iyon! "Then, shall we go? It'll be more beautiful at night pero hindi rin tayo magtatagal, it'll just be an hour or two. Kung hindi, baka gabihin na tayo sa daan papuntang La Union." He added.
"Payag, two hours is already too long to walk around..." Sambit ko. "Siya nga pala, saan tayo kakain? Marami naman tayong madadaanan hindi ba? Tell me if you're hungry..." Bilin ko, nalala ko pa tulo noong papunta kami sa Benguet. Sinabi ko sa kanya na huminto saglit para kumain pero hindi niya ginawa.
"Ano ang gusto mong kainin? Sabihin mo sa akin para makahanap ako ng kainan na papasok sa gusto mo. Seafoods? Noodle house?" Grabe, ganito ba talaga ang mayayaman? May choices pa per meal. Sabagay, ganyan din naman ang Daddy, kaya nga may chef siya sa bahay.
"Kanin, ulam. Kahit saan, iyon lang ang gusto ko. Hindi naman ako maarte." I answered, humikab ako at isinandal ang likod sa sandalan ng upuan. Hinarap ko ang katawan sa kanya, the sight of him driving drives me crazy. Damn, boy.
"Ah, my down to earth girl." Napangiti ako nang sabihin niya iyon, lalo na at kitang kita ko sa kanyang mata ang paniningkit nito dahil sa pagkurba ng ngiti sa labi.
"I can be homeless, you know. I can move from one city to another, booking hotel rooms for the rest of my life. I won't mind. I can use motorcycle instead of fancy cars, I can live in a kubo instead of living in a huge house. It would be the best life I can live..." Sandali siyang tumingin sa akin ngunit ibinalik din ang ang mata sa daan, tinanggal niya sa manebela ang isang kamay at marahang ipinatong iyon sa aking ulo.
"I'd love to see you live your life like that. If that moment comes, please know that I'll be the happiest."
Kinuha ko ang kanyang kamay na nasa aking ulo at pinagtiklop iyon kasama ang akin. "I'd love to do all of that with you..." Bulong ko at tinignan lang ang kanyang kamay. Matagal na katahimikan ang namayani sa aming dalawa, pinaglalaruan ko lang ang kanyang kamay habang hinihintay ang kanyang isasagot ngunit nanatili siyang tahimik. "Bakit ayaw mong sumagot? Ayaw mo talaga akong isama sa mga gala mo 'no?" Biro ko at tinignan siya.
BINABASA MO ANG
Your Melancholy Calls To Me
RomancePaige was a realist, until Isaiah became her idea. Isaiah was an idealist, before Paige became his reality. As the two lost souls found home in the lonely roads of Luzon, bizarre things greeted them. Melancholy, perhaps. But if odds create somethin...