Kabanata 4

268 27 28
                                    

"Yours?"

Napatingin ako sa kanya nang huminto kami sa tapat ng aking Volkswagen, may maliit na ngiti ito sa labi at halatang namangha sa nakikita. Mahina akong natawa dahil sa kanyang reaksyon. Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat kaya naman napatingin siya sa akin.

"Sa tingin mo ba isasakay kita sa nakaw na sasakyan? What did I tell you? I'm rich." Ani ko, kibit balikat naman siyang tumango tango habang natatawa pa.

Sumakay na siya doon samantalang ako naman ay umikot pa bago makarating sa driver's seat. Inilagay ko sa likod ang DSLR at gamit, nakita kong nasa kanyang kandungan ang bag, alam kong mabigat iyon dahil puno ng gamit. Mukha siyang grade one na excited sa fieldtrip. Tinaasan ko siya ng kilay at napatingin sa likod.

"Bakit?" Pagtatanong pa nito. Napailing na lang ako at kinuha ko iyon mula sa kanya at inilagay sa likod. Sinundan niya ako ng tingin at nang magtama ang aming mga
mata ay halata ang pagkagulat dito.

Iniikot niya ang tingin sa kabuuan ng aking Volkswagen bus, at sandaling napaawang pa ang bibig. Hinawakan ko ang kanyang baba at dahan dahang itinaas iyon.

"Huwag kang masyadong magulat ha? Bees will enter your mouth, Isaiah. Ayaw kong idala ka sa hospital, I hate hospitals..." Sandali siyang napatigil, hinagod niya ang buhok at tumingin sa labas. It's easy to point out that he's worried right now based on his expression. "Ayaw na ayaw mo na talagang umuwi no?" Bulong ko.

I buckled up my seatbelt and started the engine, naramdaman ko naman ang pagtingin niya sa akin ngunit hindi ko sinalubong iyon at diretso lang ang aking mata sa harap.

"If I am hesitant to come with you, hindi na ako pumasok sa sasakyan na ito at nag-seatbelt pa... Ikaw din naman hindi ba? You invited me, that only means you are that motivated to run away too."

Itinaas ko ang aking kamay sa kanyang harapan at nakita ko pa ang pagkunot nito. Seriously? Ganito siya kainosente sa bro-sis code? "Hey, first fist bump..." Ani ko, he giggled as he bumped his first into mine too.

Tuluyan nang umandar ang sasakyan at isa lang ang nasa isip ko, wala kaming pagkain. Nagbuntong hininga ako habang tinanaw sa side mirror ang paglisan namin sa bilihan, tinignan ko sa gilid ng aking mata ang aking kasama. Tahimik lang itong nakatingin sa labas, akala ko pa man din ay may makakausap ako! Kaya ko nga siya sinama!

"Have you eaten lunch?" I asked, nakita ko ang kanyang pag-iling ngunit nanatili itong nakangiti. Sobrang optimistic niya naman yata? "Alright, drive thru na lang tayo para mabilis. I didn't eat too, dumiretso ako sa exhibit." I shared.

"Tumakas ako kaya hindi ako nakakain," Aniya. Sa tono niya pa lang, mukhang proud na proud pa siya sa kanyang ginawa. "Sabihin mo sa akin kapag pagod ka nang magmaneho, hahalinhinan kita." Alok pa niya, agad naman akong tumango.

Van Gogh, thank you. Nakahanap ako ng instant driver.

"You like sunflowers so much," Bati nito. Nakita ko pang hinipo niya ang dashboard kung saan namin ipininta ni Lolo ang isang tanyag na obra ni Van Gogh. Ang mga mirasol na buhay na buhay ang kulay! Ngumiti ako habang ibinalik sa daan ang tingin. "Most of the girls I know, ang starry night lang ang alam na gawa ni Vincent. I mean, wala namang masama doon. Pero para kasing naging streotype na 'yon..."

"Then, I'm different from most of the girls you know."

"On point."

Ilang minuto pa ang napadaan namin nang may matanaw akong fast food chain, ramdam na ramdam ko na talaga ang panginginig ng aking kalamnan dahil sa gutom! Kanina pa ako naghahanap ngunit wala akong makitang nagugustuhan ko.

"You want there?" I asked, of course I have to ask him too! Hindi naman ako bastos sa iniimbitahan ko. Baka bumaba 'yan nang wala sa oras. "Isaiah, I'm very gutom na talaga..." I whispered.

Your Melancholy Calls To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon