CHAPTER 8

3.9K 65 5
                                    


Trace POV

Agad akong tumayo para maligo.

"Trace bilisan mo maligo!" Sigaw ni kuya.

"Oo na." Sigaw ko dito.

Maya maya ay natapos na rin ako maligo at lumabas na ko sa banyo. Naabutan ko si kuya sa kama at nakaupo. Siguro hinihintay ako.

"Kuya labas ka muna bihis lang ako." Sambit ko dito lumabas naman ito kaagad.

Pagkatapos ko magbihis ay agad akong bumaba. Oumunta agad ako sa labas at inaayos na niya yung bike.

"Oh ayan ka na pala tara na." Sabi ni kuya Chris kaya agad akong umangkas sa likod niya.

Humawak ako sa bewang niya dahil malubak ang daan. Nang makarating kami sa damuhan ay naupo kami.

"Ang ganda nang tanawin." Sambit ni Kuya Chris.

"Oo nga eh." Sambit ko.

Pagkatapos nun ay nahiga kami sa damuhan. Ang ganda nang ulap nakak relax ang paligid.

Nagulat ako nang ipatong ni kuya ang ulo ko sa braso niya. Nakafocus lamang siya sa langit habang pinagmamasdan ko ang mukha niya.

Napaka perfect nang mukha niya. Mapupungaw na mata. Makapal na kilay. Mapulang labi. Matangos na ilong. Makinis na balat.

"Kuya Girlfriend mo ba yung babae kanina? Nakita ko kasing hinalikan mo siya." Napatingin ito sa akin seryoso ang mukha niya.

"Oo." Pagsagot ni Kuya ay parang dinurog ang puso ko. Siguro ay higit na sa pagiging kuya ang tingin ko sa kanya. Siguro mahal ko na siya.

"Ahh ok." Napangiti ako nang mapait habang pinipigilan ang sarili kong maiyak.

Sorry for the typographical and grammatical.

Falling In Love With My Brother (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon