Can't Stop Falling In Love
CHAPTER 8
BxBTrace POV
Agad akong naligo dahil aalis daw kami ni Kuya. Hayyst di ko muna gusto na makasama siya eh.
Pupunta kami ngayun sa kumpanya at may i discuss daw si Kuya at sabi ni Dad kailangan ko din daw malaman.
Hindi kami nagkikibuan ni Kuya nang nasa kotse kami. Mula kotse hanggang sa kumpanya wala kaming pansinan.
------------------------------
Tapos na ang pag discuss ni Kuya. Maayos naman.
Nagulat ako nang may biglang pamilyar na lalaki ang lumapit kay kuya at saka ito niyakap.
Lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Ahmm Trace Boyfriend ko si Xyrus." Sabi ni Kuya. Shit.
"Ahhm Xyrus best friend ko." Sabi ko dito at saka ngumiti at nakipag kamay. Halata ang gulat sa mukha ni Kuya.
"Kaanoano mo si Trace." Taning ni Xyrus kay kuya.
"Ahm kapatid ko siya." Sagot ni Kuya. Tumingin naman sa akin si Xyrus.
"Oo KAPATID niya lang ako." Sabi ko at saka diniin yung salitang kapatid.
"CR lang ako." Paalam ko dito at saka umalis bago tuluyang tumulo ang mga luha ko. Bakit sa dinami dami First Love ko pa?