Can't Stop Falling In Love
CHAPTER 7
BxBTrace POV
Nagising ako nang katabi si Kuya. Naka upo lamang siya at malalim ang iniisip.
"Ang lalim naman nang iniisip mo top ko ah?" Tanong ko sa kanya pero di parin nagbago ang emosiyon niya. Seryoso pa rin.
"Ahm may sasabihin kasi ako." Sambit niya habang nakatingin nang deretso sa akin.
"Ano naman?" Tanong ko dito.
"May Boyfriend ako." Halos manlumo ako sa sinabi niya.
"Huh? Bakit? Paano?" Tanong ko dito. Naguguluhan ako.
"Akala ko kasi hindi ka na babalik kaya naghanap ako nang boyfriend."Sambit niya. Fuck.
"Diba mas mahal mo ako?" Halos nagmamaka awa kong tanong dito.
"Di ba ako pa rin naman?" Dagdag ko pa.
"Hindi ko alam." Yun lang ang naisagot niya.
"So ano ako option? Kapag di ka masaya sa kanya, sa akin ka? Kapag wala siya saka lang ako? Ano ako choices kapag no choice?."
Sambit ko dito habang mangiyakngiyak na."Wala ka nung kailangan kita." Sambit niya sa akin.
"Bakit ako? Hindi ba ako nahirapan nung wala ka? Pareho lang tayong nahirapan. Kaya ano? Hinanap mo yung pagkukulang ko sa iba?" Sambit ko dito. Agad akong lumabas pero niyakap niya ako mula sa likod.
"I love you. Pareho ko kayong mahal." Sambit niya mula sa likod.
"Saka mo na yan sabihin kapag sigurado ka na kasi may taong masasaktan kapag umasa." Sambit ko at saka tuluyang kumalas mula sa yakap niya.
Sorry for the typographical and grammatical error.