Can't Stop Falling In Love
CHAPTER 11
BxBTrace POV
Nagulat ako sa ginawa ni Kuya. Agad naman hinawakan ni Art si Kuya sa polo.
"Anong karapatan mong gawin sa akin yun?" Tanong ni Art kay Kuya.
Walang emosiyon si Kuya. Nakatingin lang ito nang deretso kay Art.
"Ikaw anong karapatan mong subuan at i date ang kapatid ko?" Tanong ni Kuya dito.
"Nasisiraan ka ba nang utak. Boyfriend niya ako kaya may karapatan ako." Sabi ni Art kay kuya.
"AKIN. LANG. SI. TRACE." Madiin na sabi ni Kuya.
"Gago ka pala eh noh? Ano gusto mo sayo lahat? May Xyrus ka na diba?" Sabi ni Art dito.
Hindi naman sinagot ni Kuya si Art at tumingin lang sa akin.
"I love you." Sabi nito sa akin parang nanlumo ako sa sinabi niya. Pinahihirapan niya lang ako.
Nagulat ako nang suntukin na ni Art si Kuya. Wala akong nagawa kung hindi tumingin sa kanya.
"Diba mahal mo pa ako?" Tanong ni Kuya sa akin. Hindi ako makasagot.
Nagulat ako nang lumuhod ito sa harap ko.
"Plss bumalik ka na sa akin." Sabi nito sa akin.
"Diba mahal mo pa ako?"Ulit ulit na tanong ni Kuya sa akin.
Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Art palayo. Naiwan si Kuya doon.
Xyrus POV
"Mahal na mahal mo pa rin talaga siya."Bulong ko sa sarili ko.
Hayyst siguro oras na para ako naman ang gumalaw. Mahak kita pero ayokong nakikita kang nasasaktan at nahihirapan.
Nakita ko ang lahat. Siguro kailangan ko nang magparaya.
Sorry for the typographical and grammatical error.