Trace POV
Naka impake na kami ni Mom. Ito na ang pinaka kinatatakutan kong oras. Parang gusto ko na lang bumalik sa nakaraan kung saan masaya pa.
Lumapit ako kay kuya.
Seryoso lamang itong tumingin sa akin.
"Umalis ka na." Sabi niya.
"Gusto ko sana--"
"Umalis ka na!"Pagpuputol niya sa sinabi ko.
"Siguro hindi talaga tayo ang para sa isa't isa. Siguro pinagtagpo lang tayo para guluhin ang buhay natin dalawa. Dahil kahit saan natin tignan mali tayo." Sabi niya na mas nagpaluha sa akin. Shit bakit kailangan niya itong sabihin?
"Wala namang tama at mali pag dating sa pagmamahalan." Sabi ko sa kanya.
"I love you." Sabi ko sa kanya at saka hinintay ang sagot niya. Wala. Wala akong natanggap na sagot niya.
"Ahmm siguro paalam na." Sabi ko sabay ngiti nang mapait at saka naglakad palabas.
Siguro ito na ang huli.
--------------------------
"At doon natapos ang kuwento." Pag kukuwento ko sa mga anak ko.
"Ang lungkot naman nun dad." Sabi nang mga anak ko.
"Hayy matulog na kayo." Sabi ko sa kanila.
Tatlong taon na rin pala ang nakalipas simula nang magkahiwalay ang landas natin na tumapos naman sa pag iibigan nating dalawa.
Napatingin ako sa bintana.
"I love you top ko." Sambit ko sabay punas nang luha sa mga mata ko.
The End. 🥀