Can't Stop Falling In Love (book 2)
CHAPTER 13Trace POV
Agad akong lumapit kay Kuya.
"K-kuya." Sabi ko dito. Tumingin siya sa mga mata ko. Kitang kita sa mata niya ang lungkot.
"Antanga ko." Sabi niya sabay tawa nang mapait.
"Sana nakuntento na lang ako. Nawala yung dalawang taong mahal. Nawala na lahat sa akin." Sabi niya sabay nang pagtulo nang luha niya.
"Haysst Kuya umuwi na tayo." Sambit ko pero hindi niya ako pinansin.
"Wala nang kuwenta ang buhay ko. Wala akong ibang ginawa king hindi manakit." Sabi niya.
Tumingin ito sa akin at saka ngumiti.
"Ang guwapo mo parin." Sabi niya sabay tawa.
"Kuya umuwi na tayo." Sabi ko pero di pa rin niya ako iniintindi.
"Trace lagi mong tatandaan. Mahal na mahal kita." Sabi niya at saka tuluyang tumulo ang mga luha.
"Kuya--"Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan.
"Sabihin mo kay Art wag ka niya papabayaan." Sabi ni Kuya nang biglang--
Nawala siya nang malay.
Nagulat ako nang bigla niyang mabitawan ang bote nang gamot. Shit.
"K-kuya?" Sambit ko pero di pa rin siya gumigising.
"Kuya mahal na mahal din kita." Sambit ko habang tumutulo ang luha ko.
Sorry for the typographical and grammatical error.