Chapter 05

3.3K 143 1
                                    

UNTI-UNTING iminulat ni Sanria ang mga mata. Nakasubsob siya sa dibdib ni Gray. Nang maalala ang kaibigan na napapailaliman ng katawan niya ay mabilis siyang bumangon.

"Gray," gumaralgal ang boses niya nang makita ang kaibigan niya na nakapikit at tila walang malay. Bahagya niya itong niyugyog sa balikat. "G-Gray," muli niyang tawag sa pangalan nito pero wala itong response.

Nang mag-angat ang tingin niya sa kinaroroonan ng ulo nito ay halos kontrahin niya ang masamang naiisip. May mga nakausling bato roon. Ramdam niya ang kilabot na unti-unting bumabalot sa kanyang katawan.

"H-Hindi. Gray," kasabay ng pagsungaw ng luha sa mga mata niya ay ang paghawak niya sa likod ng ulo ni Gray. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng kaluluwa sa sobrang takot nang maramdaman ang basang likido mula roon. "No!" Tuluyan na siyang napahagulhol nang makita ang kamay niyang duguan.

Hindi niya alam kung hahawakan ang ulo nito para ilipat sa may hita niya. Natatakot siyang gawin iyon dahil baka lalong mapasama ito. Siguradong napabagok ang ulo ni Gray sa batuhan nang bumagsak sila. At sa isiping iyon ay lalong nanikip ang dibdib niya.

"Papa, tulong po! Tito Andrie!" halos mapatidan pa siya ng litid sa pagsigaw. "Tulong po, Papa!"

Tuloy-tuloy sa pagpatak ang luha niya habang nakatitig sa kaibigan.

"G-Gray, gumising ka. Please. I'm sorry, Gray."

Dahil hindi naman kalayuan ang kinaroroonan nila sa mismong mushroom plantation kaya narinig ng tauhan nina Gray ang sigaw ni Sanria.

Mabilis na nagtatakbo si Goyo papunta sa kinaroroonan nina Sanria at Gray. Nang makita nito ang sitwasyon ni Gray ay mabilis nitong tinawag ang mga magulang nila.

"Gray, gumising ka naman. 'Wag mo akong takutin ng ganito, please?" Kung ano-ano na ang nakakatakot na isipin na maaaring sapitin ni Gray ang pumapasok sa isip niya. Sobrang nasasaktan siya.

"Ano'ng nangyari?" humahangos na wika ni Tito Andrei. "Oh, God!" maging ito ay halos namutla nang makita ang dugong nagmula sa ulo ni Gray.

"Nadulas po si Gray, Tito. I'm sorry. Kasalanan ko po. Kung hinayaan na lang niya akong mahulog sa kinauupuan ko, hindi po sana ito nangyari sa kanya. Patawad po," basag na ang boses na wika ni Sanria. "Please po, dalhin na natin siya sa ospital. Baka po maubusan siya lalo ng dugo." binalingan niya si Gray. "Gray..."

Hinawakan si Sanria ng amang si Sanji sa balikat. Trying to comfort her. "Dadalhin na natin siya sa ospital. 'Wag ka ng umiyak, anak." Binalingan nito ang kaibigang si Andrei. "Andrei, pagtulungan na natin siyang buhatin papunta sa sasakyan. Kung hihintayin pa nating dumating ang ambulance ay baka matagalan pa. Baby," baling ni Sanji kay Sanria. "Calm down. Just pray na maging maayos din si Gray," pagkasabi niyon ay pinagtulungan ng buhatin ng mga ito si Gray.

Dahil sa nangangatog na ang tuhod ni Sanria kaya hindi siya halos makatayo. Mabilis naman siyang inalalayan ni Goyo nang makita nito na muntik na siyang matumba sa akmang pagtayo.

"G-Gray," napahikbing wika niya habang nakasunod ang tingin niya sa kaibigan na buhat ng kanyang ama at Tito Andrei. Lord, 'wag niyo pong pababayaan ang kaibigan ko, pipi niyang hiling sa panginoon.

Nang titigan niya ang mga palad na nanginginig pa rin at kung saan nakamantiya ang dugo na nagmula sa ulo ni Gray ay unti-unting nagdilim ang paningin niya.


NANG TULUYANG magising ang diwa ni Sanria ay ipinanatag niya ang sarili. Hinihiling na sana ay isang masamang panaginip lang ang lahat ng nangyari. At sa pagmulat niya ng mga mata ay nakahiga siya sa kanyang kama at nasa maayos lang na kalagayan si Gray.

"Hindi pa rin ba gumigising si Sanria?" naulanigan niya ang boses ng inang si Anria.

Hindi pa man niya naimumulat ang mga mata ay bumalik na naman ang pinong kirot sa puso niya. Muling nag-init ang bawat sulok ng mga mata niya. Hindi nagtagal ay tuluyan na ring sumungaw ang luha niya at nangilid sa magkabila niyang pisngi.

Si Gray... Bakit kailangan maging totoo pa 'yon?

"Sanria."

Nagmulat na ng mga mata si Sanria nang maramdaman ang masuyong paghaplos ng kanyang ina sa noo niya. Pinalis din nito ang luha niya.

"May masakit ba sa iyo?" bungad agad nito sa kanya.

Inilibot niya ang tingin sa paligid. Mukhang nasa ospital din siya. Ospital na pagmamay-ari ng kanyang Lolo't Lola. Ang Marquez Medical Center.

"Ma," humihikbi niyang tawag dito. "Mama, si Gray po? Nasaan siya? Okay lang po ba siya? Gusto ko po siyang makita. Mama, please? Dalhin niyo po ako sa kanya," pagmamakaawa niya.

"Sshh. 'Wag ka ng umiyak."

"Mama, kasalanan ko po, eh."

Umiling ito at sinikap na pakalmahin ang dalaga habang tuloy ang pagpahid nito sa namamalisbis niyang luha. "No. Hindi mo kasalanan. Aksidente ang nangyari. Baby, don't make this hard for you. Walang may kasalanan. In-assure ng doktor na stable na ang lagay ni Gray. He's fine. Maraming dugo ang nawala dahil sa parte ng ulo niya ang pumutok dahil sa pagkakatumba ninyo. Sanria, magpasalamat tayo dahil nakaputok ang ulo niya at nakalabas ang dugo. Dahil kung hindi 'yon nangyari, expect the worst."

"Marami pong dugo-"

"Sshh. Baby, madugo kasi talaga ang parte ng ulo ng tao kaya once na magkaroon ng malaking sugat, mas maraming dugo ang puwedeng lumabas. Ganoon ang nangyari kay, Gray. 'Wag ka ng umiyak. Please?"

Pero kahit anong pakalma ang gawin kay Sanria ng kanyang ina ay hindi umubra. Dumating pa sa punto na halos maghisterya siya habang walang tigil sa pag-iyak. Kaya napilitan na si Anria na patukuran ang anak ng pampatulog.


A Princess In Disguise 2: A Princess PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon